Chapter 13: A Little Talk

1.6K 28 6
                                    

Chapter 13: A Little Talk


This chapter is Dedicated to all the users, friends and readers of this story. Salamat din po sa lahat ng nagfollow sa akin. Salamat din po sa mga dumamay sa akin noong ako'y nagkaproblema. Salamat din po sa mga tumulong, alam niyo kung sino kayo iyon. Salamat po sa mga nagcomfort sa akin. Dahil sainyo ay pinilit kong bilisan ang pagsolusyon sa naging problema ko. Salamat po!

Cedie’s POV

Ang sabi nila ang pag-ibig ang gagawa ng paraan upang mahanap mo ang taong para sayo.

Ang pag-ibig kasi ay parang Baha sa kalye. Hindi ka sigurado sa dinadaanan mo, hindi mo alam kung kailan ka mahuhulog sa isang butas. Hindi mo alam kung saan ang malalalim na parte ng daan na maari mong ikalunod.

Maari kang makatapak ng matutulis na bagay na magdudulot ng sugat sa iyong paa.

Marami kang madadaanang basura na lumulutang.

Kapag tumaas ang baha maari kang malunod. pero makakasigurado ka may Bangka na daraan at tutulungan ka.

...

Totoo nga ba ang Destiny?

To which a person or a thing is destined to. yan ay isa sa mga definition ng destiny. Totoo nga ba ang destiny?

Kung Oo, bakit may taong namamatay na single? Hindi kaya ay tinanggihan nila ang taong para sakanila? O kaya naman ay patay na ang taong destined sakanila? Haaayyy. Saklap naman.

Para sakin kase ang love ay unpredictable. Hindi mo alam kung kailan siya darating sayo. Hindi mo alam kung kanino ka mahuhulog. Yun ang tunay na falling in love. Kapag kasi hinanap mo ang love hindi na yun falling in love hahaha hinanap mo eh.

Noong bakasyon lumayo ako kasi talagang nasasaktan ako sa mga nangyari. Alam niyo na yun.

Ang mas hindi ko inaasahan ay may makikilala ako ng isang taong magpapakita sakin ng totoong depinisyon ng pag-ibig.

i was at my lowest point. pakiramdam ko lahat ng tao mababa ang tingin sakin. maging ang tingin ko sa sarili ko ay napakadumi at walang kwenta.

there was a point na i hated seeing myself in front of a mirror. why? simply because evertime i see my bare body, i see nothing but dirt.

but luke came and gave me respect that even i can't give to myself.

Wala sa mga plano ko ang maghanap ng boyfriend ng mga panahon na yun. wala akong balak na may makilala akong tao.

But destiny seems to work its magic, luke and i met.

kung ang mga straight nga nagihirapan makahanap ng tunay na pag-ibig kami pa kayang kasali sa third sex?

akala kasi ng iba puro biro lang at laging masaya ang mga bakla at tibo. Ang laging nasa isip kase ng iba wala kaming problema, happy lang lagi. tangina. sino ba ang taong walang problema?

Kung madalas makita niyo na masaya at relax lang kami, sigurado naiisip ninyo na yun nga ang nararamdaman namin.

madalas sabihin ng ibang tao 'bakit ka nagbakla?' nakakatwa naman. pambihira, sino ba ang may gusto na tratuhin na parang abnormal? wala.

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon