Prologue
Hindi ko alam kung anong iniisip ni luke bakit bigla siyang bumili ng isang napakalaking box. Hindi ko din alam kung ano ang ilalagay niya doon. Kung minsan kasi parang nakadroga kung mag-isip yang kuya ko. Nako, kawawa si Cedie pag nagkataon. Aba milagro dalawang araw ng hindi pumupunta si Ced sa amin ah? Nagaway kaya sila ni luke?
"Oy, nagaway ba kayo ni ced?" Tanong ko kay luke.
"Di naman, bakit?" Habang kumakain siya ng Graham cake na hindi ko alam saan galing. "Eto nga oh binigyan ako ng graham cake."
At siyempre di naman ako papayag na hindi ako makatikim ng graham cake ni Cedie! Masarap gumawa ng graham cake yun. Sabi nga niya yun lang daw alam niya gawin na dessert. Pero pahumble lang yun, marunong din siya ng iba pero para sakanya hindi perfect. Eh samin naman ni Luke basta malapit na sa lasa at nakakain naman, aba, Pasado na din!
"Dabest talaga syota mo tol!" Sabi ko kay luke.
"Oh narinig mo yun? Dabest ka daw sabi ni Luciano baby bro mo."
Kaskype pala niya sa phone.
"Hi Dude! Visit ka dito. Nakakasawa na pagmumukha ng gagong to."
"Hello baby bro! Nagseselos kuya mo sayo Hahaha! Sabi ko naman kasi luke Ikaw yung Baby boy ko." Tawa pa din ng tawa si ced. pinagtitripan nanaman niya si luke.
Ang saya ng relasyon nilang dalawa. Kahit minsan may mga bagay na hindi inaasahan pero nagbabati din sila. Madalas may mga tampuhan sila pero normal lang yun. Walang masyadong arte si Ced eh, di tulad ng babae kailangan ng buong husay mong pagsuyo! Sa relasyon kase nila na pareho silang lalake eh walang masyadong kaartehan. Sweet sila oo, pero wala yung OA na kaartehan. Ayaw ni lue nun. Yung selosa, maarte at lalong lalo na yung mahilig magpapilit! Well ako din ayoko nun eh. Kaya siguro sumuko ako sa niligawan ko. Ang arte eh, hindi ko pa nga syota, or should i say hindi pa nga ako nililigawan eh masyado nang demanding. Nako, ayaw ko niyan uy.
Minsan nga naiisipan kong tularan na lang si Luke. Kaso ang gusto ko kaugali ni Cedie. Malambing, caring, di maarte, makwento at hindi boring. Parang kapatid ko na si ced. Kaya nga masaya akong naging sila. Masaya ako na naexperience kong may malambing na kuya. Si luke kasi matigas eh. Brutal kung magmahal. Magkakapasa ka!
"Tignan mo tulala ang gago! Hahaha!" Nauliligan ko na lang na ako na pala topic ng dalawa. Mga gago to hahahaha!
"Pakyu ka luke! Hahaha!"
Kahit na wala si ced dito napapasaya padin kami. Sana sila na talaga. Gusto ko ako magbestman pag kinasal yang dalawang tukmol.
Iniwan ko na si ced at luke dahil ako'y may lakad pa. Saturday ngayon kaya it's 'Me Time' na. Kaming lahat may 'Me Time' na tinatawag. Yun yung araw na aalis kami ng walang kasama. Stroll lang. Ginagawa namin yun dati pa, iniwan na turo samin ni mama. Para daw makareflect kami. Pati nga kay Ced itinuro na ni luke yan eh.
Andito ako ngayon at nagdadrive papuntang Subic. Paborito ng Mama ko ang Beach dito. Simple lang daw at malapit pati malinis. Kaya nga naisipan nilang bumili ng bahay bakasyunan dito.
Ang 'Me Time' ko madalas ay dito. Dahil tahimik sa lugar na ito. Sikat na ito pero may mga part pa din na may privacy ka.
Siyempre dapat may food. Kaya andito ako at namimili sa isang convinience store.
"Oww!" Tss, tinaman pa ako ng lalaking to. Nasira tuloy pagmumuni ko.
"Sorry kuya. Please, wag ka maingay. May tinataguan lang ako."
Tumingin naman ako sa direksyon na tinigtan niya.
"Sino yun? Hinoldapan mo ba?"
"Shhh. Hindi. Ex ko yang lalaking yan."
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...