Chapter 22: A Friend.

1.2K 24 3
                                    

Chapter 22: A Friend.

Dedicated to JaijanAlfeche, halos i-vote niya lahat ng Chapters ng TGTMO at masipag din siya magcomment. Napakalaking bagay sakin ng ginawa niyang effort. Salamat friend!

Picture of Luke on the side :)

Cedie's POV

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang eh umpisa lang ng klase, aba akalain mo ngayon eh second sem na. Masaya ang lumipas na sembreak. Meron man konting tampuhan pero nasolve naman namin ni luke. Mas mahalaga padin kasi samin ang relasyon namin kesa sa mga tampuhan na yan. Ang saya ng mga panahong kasama ko siya, Sama mo na din yung mga pag-gala ng barkada.

7 months na din pala kami ni luke this coming January 28, 2013. Ang bilis talaga ng panahon. Nung mga nakaraan naming mga monthsary ay halos mga pasimpleng date at private moments. Andami kong gifts na nakuha mula sakanya. Meron akong allotted na cabinet para sa mga gifts niya, nakadisplay sa kwarto. Sabi nga ni chloe 'Altar' ko daw para kay luke. Parang baliw lang. Ano kaya ang mgandang ibigay sakanya this coming monthsary namin? Halos lahat kasi ng posibleng ibigay ay nibigay ko na as a gift. Ganun din siya. Ano kaya ibibigay niya? Nakakabaliw magisip, wala talaga akong ideya kung ano ang ibibigay ko sakanya. Saka ko na lang iisipin yun, marami pa namang araw para diyan.

First day ngayon eh, January 6 2013. Buhay nga naman, kay bilis kung dumaan. Kapag talaga Masaya ka sa ginagawa mo ay parang ang bilis ng panahon, kapag naman naasar ka o ayaw mo yung ginagawa mo para namang ang bagal ng panahon, kulang nalang ay bilisan mo ang oras ng mapunta na ulit sa mga magagandang pangyayari.

Minsan naiisip ko na parang ang simple naman ata ng buhay ko? Parang di ako makapaniwala na ang saya ng mga nangyayari sa akin. Kapalit ba ito ng mga panahong nagdusa ako? Kung oo, sana ay patuloy na lang ito. ayoko na ng komplikadong buhay. Ayoko na ng mga kung ano-anong stress tulad ng dati. Hindi ko alam kung permanente na ba itong nangyayari sa akin. Ang tanging pinapanalangin ko ay sana kung may darating mang pagsubok ay sana kayanin ko, kayanin naming lahat. Amen.

Pagkatapos kong magdasal ay lumabas na ako ng chapel ng school namin. Sa kasamaang palad nakasalubong ko si Kelvin, kakatapos ko lang magdasal baka magkasala ako sa tukmol na to.

"O pare, long time no see?" Bati niya sa akin. 

"Malamang Kelvin, sembreak. Magtaka kung lagi akong nasa bahay niyo." Umismid lang siya at ngumiti.

Sabay na kaming pumasok ng aming silid aralan (Wow) Pagpasok naming ay sinalubong ako ng aking mahal na kaibigan na si chloe at niyakap ako ng buong pwersa. Binate ko din ang iba naming mga kaibigan sa room, ganun din ang mga kaklase ko na di masyado kakilala. Ganun na din kay kuyang nakaupo sa likod.

Aba, akalain mo nga namang may transferee sa block namin. Madalas kasing iniiwasan ang Block B dahil mahilig daw kami magkopyahan. Para naman sa amin ay cooperation at tulungan lang yun. Sadyang mga Grade Conscious lang kasi yung sa Block A at C kaya ganun. Bakit naman ako magdadamot ng sagot. Ayos lang naman sakin ang magpakopya dahil nangongopya din ako minsan lalo na sa Statistics or sa mga subject na related ang math. Di naman kasi ako yung tipo ng studyante na gusto lagi ako yung mataas ang scores. Basta sa akin wala akong 2.5 ay ayos na ako. Ayos na sakin ang dos pero siyempre sino ba naman ang ayaw sa uno? Opkors not me. Wala naman sa taas ng grades yan pag nagtrabaho ka na, minsan nga kung sino pa yung mga Cum laude eh sila pa yung nahihirapan maghanap ng trabaho dahil kulang sila sa Experience at pakikipag-kapwa tao. Sa linya kasi ng course naming eh mahalaga yun. Business is revolving around people. Kailangan madami kang kakilala at kaibigan. Kailangan mo ng koneksyon kapag nagumpisa ka na ng business mo. Di mo naman magagamit ang mga Uno at ang pagka-Cum laude mo kung wala kang abilidad at diskarte. Pero di ko naman sinasabi na hindi magsusurvive ang mga matatalino, syempre wala ako sa lugar upang diktahan ang kanilang kakayahan.

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon