Chapter 15: Reprobated

1.3K 25 2
                                    

Chapter 15: Reprobated

Luke's POV

Sa mga nakaraang araw masasabi kong nakakabawi nakami sa isa't-isa ni ced. Hindi man kami laging nagkikita, sinisigurado naman naming nakakapag-usap kami.

Madami namang paraan para makapag-usap kami pero mas maganda pa din na nakikita ko siya ng personal. Nakakamiss kase ang mga paglalambing niya. Ibang klase kase siya maglambing eh, cariño brutal nga ba yung tawag dun? Madalas niya akong panggigilan, uumpisahan niya sa yakap-yakapin niya ako, halik sa cheeks tapos bigla nalang kakagatin yung kamay ko. Hindi naman masakit, nakakakiliti nga eh. He turned me into a masochist. Haay. Pag-ibig nga naman.

Kung iisipin ko Parang ang perpekto ng relasyon namin. Masaya kami, nagmamahalan at tunay sa isa't-isa. Pero parang lang yun. Walang perpektong relasyon. Laging may hahadlang o susubok na sisira dito.

Hindi ko masabi kay ced na pinapalayo ako sakanya ni mama. Nalaman niya na may relasyon kami ng magsumbong ang driver namin, nakita kasi niya kasing hinahalikan ako ni ced sa magkabilang cheeks ko.

Galit si mama kay ced. Sinisira daw niya ang buhay ko. Bakit hindi niya matanggap na mahal namin ang isa't-isa? hindi ko siya maintindihan.

"Luke, habang maaga pa layuan mo yang Baklang yan! wala kayong mararating sa relasyon ninyo!"

"Mahal ko siya ma! Kahit anong gawin ninyo hinding hindi ko siya iiwan. Kung kinakailangang ipaglaban ko siya ay gagawin ko!"

"Anong alam mo sa pagmamahal?! Wala!"

"Baket ma, minahal ka naman ni dad ah? ikaw lang naman itong hindi nagmahal sakanya!"

Hindi na siya sumagot. Isang malutong na sampal na lamang ang nakapagpagising sakin, nasabi ko iyon sa sarili kong mama? mama ko nga ba?

"You have crossed the line luke. Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin. Maghihiwalay kayo."

"Mahal ko siya."

"Wag mong hintaying ako ang gumawa ng paraan. You are always a disappointment to me. You never fail on that aspect."

Every word that comes out from her mouth were like knives cutting into my skin.

Mahal ko si ced. Higit pa sa buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal mula sa isang tao.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal na binigay at patuloy na binibigay sakin ng walang kapalit. Hindi ko kailangan gumawa ng isang bagay upang ito ay maibigay lang sa akin.

Noong wala pa si ced kinakailangan ko pang manlimos ng pagmamahal. Kung akala ninyo na nakukuha ko lahat pwes hindi. Walang kwenta ang busog na pitaka kung ang puso ko nama'y uhaw at gutom sa pagmamahal. Hindi kayang bilhin o pagtakpan ng pera ang pagmamahal.

Siguro ito na ang tamang panahon upang ako'y makilala niyo ng lubos. Hindi ako tunay na anak ni mama, anak ako ni dad sa una niyang asawa, ang inay ko. Kaya ganon nalang kung pagsalitaan niya ako. Namatay ang tunay kong ina noong ipanganak niya ako. At dahil doon ay naghanap ng makakapitan si dad. Noong panahong iyon tanging ang bestfriend lamang ni mama ang andoon para sakanya at iyon ay ang Tinuturing kong mama ngayon.

Kailan man at hindi ko siya napasaya. Kailan man ay wala akong nagawang tama sakanya. Naalala ko pa nga noong 8 ako at 7 naman si luciano, naglalaro kami noon sa garden namin. O mas madalas kong sabihin ay ang Garden ng nanay ko. Naghahabulan kami noon ng biglang madapa si luciano at nagasgasan sa tuhod. Ako ang sinisi ni Tita Lucia, tinulak ko daw siya. Sinampal niya ako noon. Hindi ko magawang magsumbong sa Dad ko dahil uulitin daw niya iyong pagsampal sa akin.

Simula noon naging malayo ang loob niya sakin. Kahit anong gawin ay hindi niya magawang mahalin ako. Ang turing niya sa akin ay kaagaw.

At ngayon ay hinahadlangan niya ang pagmamahalan namin ni cedie.

...

Hindi ko pinahulata kay cedie na may problema ako sa bahay. Hangga't maari ay normal lang ako kapag nagkikita kami. Well i atleast think i act normal. Kapag kasi nasa School ako o kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ay hindi ko mapigilang mapatulala.

Sinabi ni Tita na may relasyon kami ni Cedie. Galit si daddy sa akin ngayon, hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sakanya pero bigla na lamang akong pinapalayo ni dad kay cedie. Dati ay gustong gusto ni dad kapag magkasama kami ni ced dahil tiwala daw siya dito pero ngayon ang sabi niya ay nagkamali siya ng pagkakakilala dito.

Si Daddy nalang at si Luciano ang pamilya ko. Hindi ko kakayin kung galit sakin ang isa lalo kung si Dad iyon. Digurado akong may sinabing kasinungalingan si Tita kay Dad. Gagawin ko ang lahat upang malaman ko iyon.

Sa ngayon hindi ako kinakausap ni dad. Hangga't hindi ko daw nilalayuan si ced ay hindi niya ako kakausapin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin, naiipit ako sa pagitan ng pamilya at ng kaligayahan ko.

Masakit man ay dadating ang araw na kailangan kong pumili. Sa ngayon mahalaga sa akin si Dad at si Cedie. Pareho silang mahalaga sa akin. Wala na akong pakealam kay Tita Lucia, pagod na akong magapaka-anak sakanya. Alam ko namang hindi tutol si luciano tungkol sa amin ni ced kaya hindi ko siya problema.

Pero gagawin ko ang lahat upang hindi na dumating pa yung araw na pipili ako. Makukuha ko muli ang pagmamahal ng Dad ko at the same time ay masaya kami ni cedie. Aalamin ko kung anong kasinunglaingan ang sinabi ni Tita. Aayusin ko ito. Lilinisin ko ang pangalan ni Ced sa aking Ama.

end of chapter 15

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon