This chapter and the previous chapters were pre-written, meaning i've already written them on my free time few weeks ago and ahead to my Publication time. Before i publish them i do make sure i edit and re-read them, that is the reason it takes time before i was able to publish them. If you had encountered a scene or a part of a story that is Somehow Same or Comparable to my Written Works, It is Coincidence.
Plagiarism is not related to me. He is not a part neither of my Family nor My friends. He's my Enemy. -Inquieto▲
Dedicated kay CharuneeSakornchan. Idol ko kasi yung kwento niyang "Stay with me. FOREVER" sana binabasa niya din story ko :)
Chapter 19: Truth.
Pinakiusapan ni cedie ang kanyang ina tungkol sa nangyari. Agad namang naintindihan ng kanyang ina. Sumang-ayon ito na tutulungan niya ito tungkol sa kinakaharap niyang problema.
"Parte ito nang nakalipas ko at ako ang tatapos nito." Nasambit ni Dawn sakanyang sarili.
Kilala ni Dawn si Lucia. Kilalang kilala niya ito. Ang pagkatao at ugali ni Lucia ay hindi na bago pa kay Dawn.
''Kailangan ng matapos ito. Masyado nang matagal ito.'' Muling nasabi ni Dawn na tila ba'y naghahanda sa isang komprontasyon.
Naguluhan man si ced ng sabihin ng kanyang ina na siya mismo ang kakausap kay Henry at Lucia ngunit nagtiwala na lamang sa kakayahan ng kanyang ina. Pareho silang matapang at magling sa pakikipag-usap at pagaayos ng mga bagay ng hindi ito dinadaan sa pisikalan.
Pinilit ni Cedie ang kanyang ina kung maaari ba siyang sumama, ngunit hindi talaga mapapayag ang kanyang ina, bagkus ay iniwanan nito ng makabuluhang mga salita.
“Ako lang ang makakatapos nito. Mag-isa ko itong tatapusin.”
“Hindi kaya’y matagal nang kilala ni mommy ang mga Montemayor? Ano ang kanilang nakaraan?” Naguguluhang sapantaha ni ced ng iwan na siya ng kanyang inay.
…
Papaitaas na ang sinasakyang elevator ni Dawn papuntang Opisina ni Henry at Lucia. Bagama’t nasa lugar man siya ng mga kalaban ay tila wala siyang nararamdamang Kaba bagkus ay handing handa na siyang tapusin ang problemang ito.
“Para sa anak ko. Para sa kasiyahan ni Cedie.” Mga salitang hindi mawaglit sakanyang isipan. Tila isang dasal niya itong inuulit tuwing nakakaramdam siya ng tukso na wag ituloy ang balak.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay sinamahan siya ng sekretarya at ipinasok sa opisina.
Tila nagulat si Lucia ng Makita si Dawn na pumasok sa opisina niya ngunit simbilis ng kisap mata ng mapalitan ito ng Ngiti. Ayaw niyang ipakita na siya’y natatakot o kinakabahan.
"I came here to testify for my son." Pauna ni dawn.
"Oh. Hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang pupunta dito upang linisin ang kalat ng anak mo." Sagot ni lucia.
"Stop it! Matanda na kayo para sa sagutan!" Bulyaw naman ni henry sa dalawa.
"I did not came here to argue. Ang sabi mo nga 'upang linisin ang kalat mg anak ko'. Well apparently walang kalat ang anak ko, maling ikinalat ng ibang tao meron." Habang nakatingin sa mata ni Lucia.
"Are you accusing me?!" Depensa ni lucia.
"Stop! Let's just talk about this in peace! Tama na yang sagutan niyong parang mga walang pinag-aralan."
"Okay. Una ayokong pinagbibitangan ang anak ko. Pangalawa hindi kami mukhang pera. Kung ano man ang kasinungalingang sinabi mo lucia, bawiin mo. Mahiya ka nga. Pati ang Pamangkin mo inaakusahan mo ng ganyan!"
"Wala akong pakealam sakanya!" Sigaw naman ni lucia.
"Sabagay. Ampon ka lang kaya wala kang malasakit! Hanggang ngayon ba naman Lucia?!" Sagot ni Dawn. Galit na galit siya. Kahit gaano pa siya kapostura at kahinhin, lumalabas ang pagiging Maldita at palaban kapag ang kanyang nagiisang anak ang pinaguusapan at lalo na kung inaapi ito. Tila tinakpan naman ng balabal ang bibig ni Lucia sakanyang narinig.
“Ampon.” Nagpipintig na salita sakanyang taenga.
"Oo inggit pa din ako! Ikaw lagi, sayo binigay lahat ni Lolo! Lagi nalang akong wala! Kailangan ko pang mang-agaw magkaroon lang! Sawang sawa na ako!"
"Kaya pati buhay ni ced at luke sinisira mo? Wag mong sabihing maging sa buhay pag-ibig nila’y naiinggit ka?" Sagot ni dawn.
"Oo! Nakakasawa man ngunit OO! Henry, hindi ako papayag ang anak niyo ni Francine ang laging pinapaboran mo!"
"Dahil alng ba ito sa atensyon Lucia?" mahinahon na tanong bi henry na tila'y nagpipigil ng galit. Ngunit hindi makasagot si lucia. " Or Is this all about Money?! Answer me!"
"O-oo. Henry, let me explain-" Nang walang ano-ano’y sinampal ni Henry si Lucia.
"You are sick. I can't believe all trough this years ganyan ang iniisip mo!"
Tanging iyak at Tangis lamang ni Lucia ang naririnig sa loob ng Tanggapan. Nang pumasok sa ulirat niya na siya’y nasampal ay bigla siyang tumakbo palabas ng opisina.
"Henry, kalma lang. Ngayong alam mo na ang lahat. Please, Patawarin mo na si Luke at Cedie. I am sure Francine is not happy on what is happening."
"I know. Masyado akong nagpabulag kay Lucia. Matagal ko nang nararamdaman ang mga nangayayari. Noon pa man. Pero hind ako magawa ng aksyon dahil iniisip ko ang mga bata. Pero nagkamali ako, itutuwid ko lahat ng mga pagkukulang at mali ko kay luke at luciano. Sana'y hindi pa huli ang lahat." Mahabang sabi ni Henry
"Hindi pa, sigurado maiintindihan nila. Mabait at matalino si Luke, si luciano bagamat mas bata pa'y napaka mapagmahal na kapatid sa kuya niya. Alam mo bang sila ang kumausap sa akin kasama ang anak ko?"
"Salamat. Sana mapatawad ako ng bestfriend mo."
Ngayong lumalabas na ang katotohanan. Nagmimistulang isang storyang napakadaming sikreto ang kanilang buhay.
Tanging pakikipagayos at pagpapatawad ang laging susi upang maayos ang mga gulo, gulong sarili lang natin ang madalas magdulot.
End of chapter 19
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...