Chapter 31: Promise And Compromise.
"Don't you ever say I just walk away cause I will always want you. I can't live a life running for my life, I will always want you." Wrecking Ball by Miley Cyrus.
Cedie's POV
I never wished for the life I am in. I was born with it, but what bothers me is why people keep on talking as if they know everything. As if they are my engineer.
Dalawa lang naman ang choice sa buhay. To Survive or To be Destroyed. I was destroyed before, not just once. But I managed to Survive and now here I am destroying a relationship.
I've been on this before. Same scene but different casting. I was the one being betrayed and the who's suffering. The tables were turned. I never chose this. Kahit gasgas na ito sasabihin ko pa din, Nagmahal lang ako. Kung mali man iyon then add it to the of sins.
Kung kasalanan ang pagiging Bakla at pagmamahal sa kapwa lalaki. Then so be it. Gay (LGBT) are not made by God to be hated and treat as sinners. God is very smart. Kung pagkatao ko nga ay tinuturing na malaking kasalanan at paglabag sa kagustuhan at batas ng Diyos, ito pa kayang pagmamahal ko kay Luke? Hindi ko kailanman pinili ito. Uulitin ko lang. Kung meron at kaya ko man na baguhin ang sarili ko ay gagawin ko, pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang lokohin at pagsinungalingan ang sarili ko. Ngayon, idagdag niyo na sa kasalanan ko ang pagiging madamot. Babawiin ko si a Luke.
Luke was mine before. He was my love. I did everything, lahat. Inintindi ko siya at pinatunayang mahal ko siya, but he got confused. Tangina. Mali ko lang ay sumuko ako. Sani ko hinding hindi ko gagawin iyon, pero naging mahina ako eh.
Alam mo kung ano ang mahirap? Yun yung ipinaglalaban mo ang bagay na dating sayo, dati kasi binitawan mo na at ngayon naman na may bago nang may-ari ay pilit mong binabawi. Pero hindi bagay si Luke at higit sa lahat walang mahirap na bagay para sa akin, para sa pag-ibig.
Kung dati ay nagparaya ako, nagbigay. This time I want to be selfish. I want Luke back. Alam ko mahal niya pa ako. Ramdam ko.
Ang sabi niya sa akin ay hindi na niya mahal si Audrey. Minahal naman niya ito pero dumating siya sa punto na nafall-out of love siya. Siguro dahil naguguluhan siya noon. Siguro dahil nahihirapan siyang magmove-on at naibaling niya ang atensyon niya kay Audrey.
Tinanong ko ang sarili ko noon, Dapat ko pa bang ipaglaban ito? Nahirapan man ako sa paghanap ng sagot pero dumating ito. Maliwanag na maliwanag, yun yung gabing sinabi ni Luke na ako padin ang mahal niya, na ako padin at ako lang.
...
Luke's POV
Sabihin na nilang gago ako. Sabihin na nila na wala akong kwenta. Tatanggapin ko ang lahat. Wala akong pakealam sa mga sasabihin nang tao. Isa lang ang mahalaga sa akin. Makasama muli si Cedie. Sabihin man nilang tanga ako dahil ipinagpalit ko ang tunay na babae sa isang lalaki wala na ako pakealam pa. Sakanya ako masaya. Siya ang mahal ko. Kung katangahan man matuturing ang pagpili sa kung saan ka masaya ay wala na ako pakelam pa.
Handa na akong hiwalayan si Audrey. Kasalanan ang Masaktan siya, Oo. Pero parang mas malaking kasalanan kung sinasabi ko na mahal ko siya pero iba ang laman ng puso at isip ko. Mas malaking kasalanan ang lokohin ko ang inosente.
Makikipagkita ako sakanya mamayang gabi. Handa na ako. Hindi ko na kayang mawala pa ang kung ano ang meron pa sa amin ni Cedie. Mahal ko siya, higit pa sa akala ko noon.
Pangako ipaglalaban ko na si Cedie.
Pangako siya lang ang mamahalin ko.
Kahit pa buhay ko na ang kapalit.
...
Nang gabing iyon ay tinupad ni Luke ang kanyang pangako. Hiniwalayan niya si Audrey. Inamin niya ang lahat tungkol sa kanila ni Cedie sa babae. Naguluhan man at nasaktan tinanggap niya ito. Napagdesisyonan ni Audrey na ipagpabuya na niya si Luke. Ginawa niya ito dahil mahal niya si Luke. Kahit kapalit ng pagpaparaya niya ang sakit at kalungkutan ay ginawa ni ito. Pinilit niyang kinaya upang sumaya lamang ang kanyang mahal.
"Sino ba naman ako para humadlang? Kung sakanya ka masaya Luke, sige. Ipaglaban mo siya. Pero hindi ko maipapangako na mabilis kitang malilimutan."
Matapos sabihin ito ni Audrey ay dahan-dahan siyang tumalikod at lumayo kay luke. Kinaumagahan ay nalaman nalamang nilang nauna na itong bumalik sa Pampanga.
Natapos ang bakasyon nilang magkakaibigan at bumalik na din sa Pampanga. Silang lahat ay nagulat sa kanilang nalaman. Inanunsyo ni Cedie at Luke na sila na ulit. Pinilit nilang ipaglaban ang kung ano man ang natitira pa sa kanilang relasyon.
Lahat nang tao sa mundo ay may karapatang sumaya. Pero sino ba naman ang magaakalang darating din tayo sa punto na kailangan mong maging madamot upang sarili mo naman ang sumaya. Sino ba naman ang gustong maging madamot? Wala. Pero kung kapalit nito ay ang pansariling kaligayahan at kapanatagan, gagawin mo ba? Kaya mo bang makasakit? Kaya mo bang lumaban?
...
Cedie's POV
New York.
Kakabalik ko lang last week dito. Kailangan kong tapusin lahat ng Commitments ko. Double time ako kung magtrabaho. Minamadali ko na ang lahat dito sa New York. Bakit? Dahil gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Andoon ang taong mahal ko. Minamadali ko na ang paglipat ng Opisina at Factory ko. Plano ko na sa Pilipinas ang homebase ng aking negosyo, since doon naman galing ang raw materials na ginagamit ko.
Kasabay ng mabilis kong pagtapos ng mga bagay bagay dito ay ang plano ko ng pagtapos nang kung ano mang ugnayan ang meron kami ni Nathaniel. He doesn't deserve me. He deserves to be Loved fully and I am not that person.
End of Chapter 31.
Quick update lang ito. Di ako umabot sa weekly na update ko eh.
Guys, Friends. Last Two chapters to go and I am done. This Story is about to end. I can't assure a good ending but I can assure you will like it. After this story I will rest in peace, just kidding! Lol.
Support and Love!
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Teen FictionThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...