Chapter 30: Baby.
"Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan. Hindi na ako muling lilisan. Dahil kung ikaw ang yakap ko, parang yakap ko ang langit at yakap ko pati ang iyong ngiti." - Yakap by Charice.
Cedie's POV.
"Bakit ang tagal mo dumating?" Tanong ko kay Tristan nung pagkita ko palang sa pagmumukha niya. Kanina ko pa hinihintay sa bahay ko, sabay daw kaming pupunta sa binyag.
"Sorry. Nawawala kasi yung dapat sanang regalo ko kaya bumili ako ng bago." Explain niya.
"Ahh, oookaay." Mala-retarded kong sagot sakanya habang pasakay na sa kotse.
Habang nagdadrive siya, ako naman ay tahimik. Wala akong alam sabihin eh. Tsaka gusto ko lang tumhimik. Parang kasing wala ako sa mood magsalita o gumalaw man lang.
"Handa ka na ba?" Biglang tanong niya.
"Huh?"
"Sabi ko handa ka na ba para sa binyag?"
Tinignan ko ang suot ko, pqngbinyag naman. Tinignan ko mukha ko, pangbiyernes santo.
"Oo, naman. Bakit?"
"Just asking."
Di na siya muli pang nagsalita at kung may balak man siya magsalita pa ay baka masiko ko na siya o makonyat, tinatamad akong magsalita eh!
Di nagtagal ay nakarating na kami sa isang simbahan. Mukhang bago ang simbahan. Pero kahit ganun pa din ay kita ang mga antique na rebulto ng mga santo at santa. Pumaso kami sa malaking kahoy na pinto, luminga-linga muna ako at hinanap sina Chloe at mga kaibigan ko.
"Wala pa sila." Sabi ni Tristan.
"Sino?"
"Si Luke."
"Hindi naman siya hinahanap ko. Hindi din siya ang pakay ko dito, gusto ko lang makita mga kaibigan ko at ang magiging Inaanak ko!" Pabulong pero pagalit kong sagot sakanya. He just surender his hands on air in defeat.
Nakita kong parang gulat na gulat na lumalapit sakin sina Chloe at Kelvin, habang kalong kalong ni Kelvin ang anak nila at nasa likod naman nila ang ilang College friends namin.
"Oh my God, Cedie!!!" Sigaw na makapork-barrel ni Chloe sabay yakap sakin/pabuhat. "I miss you Bestfriend!"
"Miss you too! Teka lang naman, ang ingay mo nasa simbahan tayo!" Saway ko.
Nagpasorry naman siya at sinabing sadyang namiss lang niya ako. Binati ko naman ang ilan sa mga Kaibigan namin. Halos lamutakin naman ako ni Kelvin sakanyang 'Brother Hug'.
"Parang lalo ka pang bumata Ced ah?!" Sabi ni Mira, isa sa mga college friends namin.
"Di naman! Haha"
Nilapitan naman ako ni Kelvin at pinakita sa aking Cute nilang Baby Boy nang di ko mapigilan ay binuhat ko ito.
"Grabe, ang gwapong bata. Anak mo ba to 'vin?!"
"Hoy amboy anak ko yan ah!" Sabi naman ni Kelvin. Natawa naman mga kaibigan namin at si Chloe.
"Hindi ko inaakala na ikaw ang makakatuluyan ni Chloe ah?!" Tawanan ulit kami. Pero ilang saglit lang ay napatigil ako sa pagtawa nang makita ko kung sino ang papasok mula sa pinto ng simbahan. Si Luke at si Audrey.
Binigay ko naman ang baby kay Kelvin at lumapit kay Tristan. Sakto namang pinatawag na sina Kelvin at Chloe sa altar upang maumpisahan na ang seremonya. Habang Binibinygan ang Baby ay Nakita kong nakatingin sa akin si Luke. Napabalikwas naman ako ng tingin at kunwaring nakikinig sa pari.

BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Teen FictionThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...