01

601 11 0
                                    

01

I always believe in shooting stars.

Alam ko mahirap paniwalaan. Alam ko rin na hindi naman totoo. But I still wish everytime I see one. It just gives you hope if things are not getting well. Medyo nahihibang na rin yata ako. I just have this… weird obsession with stars.

I just feel like if I’m under them, I will be guided by their light. And everything will be okay.

Naputol ang pagmumuni-muni ko habang nakatunganga sa kisame na puno ng glow in the dark star figures nang pumasok si Mom sa kwarto at binuksan ang ilaw. I was lying down so I squinted my eyes when it hit the hard light.

“Tres na naman, Franceska?!” bungad niya.

Inilapat ko ang mga labi at bumangon. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. My eyes flew to the paper she was holding. Ah… my report card.

“Mom-“

“Ano na lang ang sasabihin ng mga tao nito?! The press?! Kung tatanungin nila ako, tiyak mapupuno ako ng kahihiyan!”

I clenched my fist, trying to contain my anger. Nag-iwas ako ng tingin. Of course, it’s all about her career! ‘Yan na lang ang nasa isip niya lagi!

“Pasado naman ako, Mom. Don’t be hysterical,” I said.

“Iyon nga, eh. Pasado lang. You have tutors when you were younger, wala bang pakinabang ang perang ibinayad ko sa kanila?!”

“Mom, that won’t affect your acting career-“

“It does!”

Hindi na ako nagsalita pa. Even if she’s exposed to the public eye, she’s not that famous anymore. She’s a veteran actress. Respetado. Mahusay. Maraming awards. Pero hindi niya pa rin matanggap na matanda na siya at dumating na ang panahon na hindi na siya ang tinitingnan ng lahat.

“You will fix that grades, Franceska. Or else…”

“Or else what?” sabay taas ko ng kilay.

 Mas lalong kumunot ang noo niya at nainis sa hamon ko. Ngunit tinitigan niya lamang ako at naglakad palabas. Padabog niya pang sinara ang pinto.

I softly cursed and threw some pillows away. Hindi na ako nakuntento pa at talagang tinapon ko rin pati ang comforter ko.

I was in a good mood! Bakit kailangan pa niyang guluhin ‘yun?

Kumuha ako ng jacket mula sa closet at lumabas sa kwarto. Narinig ko ang paghihisterya ni Mom nang dumaan sa study table ni Dad. Of course, she’ll tell him about those grades. And of course, my father won’t care.

Busy naman siya palagi sa ospital at mas lagi pang inaalagaan ang mga pasyente niya kaysa sa sarili niyang anak. I hate this household!

“Ma’am, saan po kayo pupunta?” the guard asked when he saw me.

“Magpapahangin lang sa labas, Kuya. Kung hanapin nila ako, sabihin mo hindi mo ako nakita.”

Kita ko ang pag-aalala ng guard pero wala na rin siyang nagawa pa kundi tumango. Ngumiti ako sabay kuha ng bike ko. It was already 8 PM and it’s very cold when I hit the pedals. Still, napangiti ako dahil maraming bituin sa kalangitan.

Nakatulong na rin ang hangin para malamigan ang utak ko. Nakaka-stress talaga sa bahay. Kahit malaki ‘yun, wala namang tao lagi. My Dad is always in the hospital. My Mom is always busy in her showbiz life. Ako naman ay nasa school lagi.

And everytime I’m there, I feel very lonely.

“50 pesos po,” sabi nung cashier ng Seven Eleven na may malapad na ngiti.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon