03
"Heto," sabay abot ni Santi ng mainit na kape.
"Thank you..."
Naramdaman ko ang init ng kape sa tiyan nang ininom ito.
Hindi na ulit ako bumalik sa loob. I don't know what happened to Phil, and I don't care as of the moment. Masyado pa akong gulat. I also texted my friends that I went out to take some fresh air. So far, wala naman silang reply maliban sa 'okay' so baka walang sinabi ang walang-hiyang Phil na 'yun.
Inaya ako ni Santi na magkape sa malapit na convenience store at umupo sa labas kung saan may plastic chairs at table.
Hinubad niya ang suot na asul na jacket at inabot sa 'kin. Tiningnan ko ito, ngunit ipinatong na niya sa kandungan ko. I sniffed and put it around my shoulder. I can smell his perfume all over me.
"Thanks," I mumbled.
"Ayos ka na ba?"
Tumango ako.
"Boyfriend mo ba 'yun?"
"Hell, no! I'm not even close with him. Magkasama lang kami sa iilang subject before. Ugh! Nakakainis!"
He let out a small sigh. "Dapat hindi ka sumasama sa mga lalaking ganun."
I looked at him. "Maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating. Just by thinking about it disgusts me already."
"Sa susunod mag-ingat ka," aniya na parang tatay.
A small smile appeared on my face. "Pero, you look so cool kanina. Do you know martial arts?"
Napangiti siya. "Astig ko 'no?"
Sumimangot ako. "Wow, self-proclaimed. But to be honest, you really look very cool."
"Nagte-taekwondo ako."
Napatingin ako sa kanya. Woah. That's very impressive. "Talaga? Anong kulay ng belt mo?"
"Black belt. Four dan."
I gasped and clapped cutely. "Ang astig naman. Since bata ka pa?"
He nodded.
"That's very useful for self-defense," amin ko.
"Oo nga. Kaya kung gusto mong maging palaban, kailangan mong matuto nang ganoon."
"Well, I remember asking my parents to learn when I was young. Ayun nga lang, sa ballet ako in-enroll."
He smiled. "Nagba-ballet ka pa rin ngayon?"
Umiling ako. "I quit. Sobrang hassle. Though I like it, but it's not just for me."
Tumango siya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang saglit na napatitig sa kanya. Santi is very fair but he still looked manly. Sobrang singkit ng mga mata niya at matangos ang ilong. For sure, he has many admirers. Wala ba siyang girlfriend? Baka may sumugod na lang dito bigla.
"So, do you know my name now?" I asked.
Natawa siya. "Na-search ko na sa google. Franceska, tama?"
Tumango ako. "But just call me Frans. That's what everybody call me. Franceska's too long."
"Okay..."
"For you, it's Santiago, if I'm not mistaken, right?"
"Sobrang makaluma ang Santiago," aniya. "Kaya Santi na lang."
Kinagat ko ang loob ng mga pisngi para pigilan ang pagngiti. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang smiley ko ngayon? Inubos ko na lang ang kape kong naging malamig na para matabunan ang mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...