10
Tumalon ako nang makita ang midterm grades sa second sem!
Halos hindi ako makapaniwala nang makakuha ng 2.25! Sobrang laki na nun para sa akin! My friends congratulated me. I know it's only the bare minimum, but considering my schedule, it's a really good news.
Nitong mga nakaraan, nakakuha ako ng deal sa isang sikat na clothing line. Mas naging abala rin ako dahil sa paghahanda sa summer season. Iyong iba kong photo shoot ay sa beach at mga maninipis na tela ang isinusuot.
Kahit Marso pa at may bagyo, wala akong choice kundi mag-pose para doon. They'll edit it and prepare for the right season to come.
I've been so strict with following my schedule so I wouldn't miss a single thing. And I'm glad that I got that average.
"Hindi man lang uno?" sabi ni Mom.
Pag-uwi sa bahay, sabik akong ipinakita kay Mom iyong average ko. I know she won't be happy with it, but hey, I'm happy for myself.
"Malaki ang itinalon ko mula sa past grade, kaya naman masaya na ako para diyan."
"It's still unacceptable, Franceska," aniya.
"Mom, bakit ba sobra mong pinapansin ang sasabihin ng ibang tao?" hindi ko na talaga napigilan pa.
"Nakakatuwa na masaya ka na dahil sa grade na 'yan," sarkastiko niyang tugon.
"That's a nice grade," tugon naman ni Dad.
Mom scoffed. "At talagang kukunsintihin mo pa itong anak mong hindi man lang maabot ang uno? O kahit flat na dos man lang?!"
"Carol, your daughter did great. Why won't you appreciate her?"
Palihim akong ngumiti. Minsan lang narito si Dad ngunit masaya ako na hands on pa rin siya sa nangyayari sa buhay ko. He's the only supportive one in this family.
"Ano na lang ang sasabihin ng iba nito?!" paghihisterya ni Mom.
Nakatingin kami sa kanya nang umalis siya at iniwan kaming dalawa ni Dad. Maayos ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi ako naapektuhan.
"Congratulations, Franceska," bati ni Dad. "Anong gusto mong regalo?"
"Huwag na po, Dad. I'm fine. I got my car and I've got photo shoots. I'm happy with it."
Malumanay ang ngiti niya sa akin. "Pagpasensyahan mo na ang Mom mo. Ibalewala mo na lang ang sasabihin niya."
"I know. Sanay na rin naman po ako."
"You seem to be in a great mood since last month, Franceska. Is it about a boy?"
Natigilan ako. Ngunit nang matanto ang sinabi ni Dad ay kaagad akong umiling.
"H-Hindi po!"
Mahina siyang natawa. "No need to hide it from me, anak. Dumaan din ako sa ganyan."
I am not really secretive when it comes to my boyfriends. Ngunit kinakabahan ako kapag malaman ni Dad ang tungkol kay Santi.
Panigurado, aayaw si Mom nito. Knowing her, she would push me to a public personality. Hindi naman sa minamaliit ko si Santi, ayaw ko lang na laitin siya ng mga magulang ko.
I still want to let him meet them in the future.
"I just... like a boy. That's all," amin ko.
"Hmm. Taga saan ito?"
"UP, Dad."
"Oh, iyong chinitong maputi?"
Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?"
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...