17
Kabado ako nang tinanggal ang seatbelt nang pinatay ang sasakyan. Kakapark ko lang sa labas ng coffee shop. Bumaling ako kay Santi at binigyan siya ng maliit na ngiti.
Makikipagkita lang naman ako sa mga kaibigan ko... Ipapakilala ko lang naman siya... Why do I feel like this? Hindi ko maintindihan.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang mapansin ako.
"Hmm," sabay tango ko.
Nagtaas ng kilay si Santi, hindi naniniwala. I took a deep breath and pouted.
"Kasi... my friends are a little bit impulsive. Sam is calm, Lisa is aggressive. Baka kasi may sabihin sila tapos hindi mo magustuhan."
I held my breath, waiting for him. Ngumiti si Santi at hinawakan ang pisngi ko. Sinalubong ng mga mata niya ang akin. He gently pinched my nose.
"Ayos lang naman sa 'kin. Wala naman akong problema," aniya.
"I'm just saying... just in case..."
Tumango siya. He carefully patted my head.
Nawala ang pag-aalala ko nang kaunti. Kampante ako kay Santi. Pero hindi ako sigurado sa mga kaibigan ko.
Nakasunod lang sa akin si Santi nang papunta sa coffee shop. Binuksan niya ang pinto at pinauna ako. Kaagad na kumaway sina Lisa at Sam nang makita ako. Their eyes went from mine... then to the person behind me.
Nakita ko ang ngiti ni Sam. Si Lisa naman ay mukhang nagulat.
Bumaling ako sa likuran at ngumiti kay Santi. Ngumiti siya sa akin pabalik. Hinawakan ko ang kamay niya. Sabay kaming naglakad papunta sa mesa. Napatingin si Lisa sa kamay naming magkahawak.
"Hi," bati ni Sam kay Santi pagkalapit namin.
Pareho nilang tiningnan si Santi. I saw Sam eyeing me with a smile. Yes, I know, he's a great catch. Ito pa ang unang beses na nakita nila si Santi sa personal.
Umupo kaming dalawa sa tapat nila. Hindi ko binitawan ang kamay ni Santi sa ilalim ng mesa.
"So siya pala talaga ang boyfriend," ani Lisa at mariin akong tiningnan. Lumingon siya kay Santi. "Hello, my name is Lisa. I'm guessing you're the taekwondo guy from UP? Santi, right?"
Napalunok ako.
"Ah, oo. Ako nga..."
"Kayo na pala? Kailan lang?" sabay baling ni Lisa sa akin.
"For... seven months," mahina kong tugon.
Mabuti na lang at dumating 'yung waiter kaya nakahinga ako nang maluwag. Lisa looked very disappointed at me. Hindi rin biro iyong pitong buwan na paglilihim.
"Anong order mo?" I asked Santi.
Pinasadahan niya ng tingin ang menu. "Iced Americano."
Tumingin ako sa waiter. "I'll have two Iced Americano."
Mariin akong tiningnan ni Santi. Mahinahon ang ngiti na binigay ko sa kanya.
Alam ko na ayaw niyang magbayad ako, pero I will take charge of it this time. Alam ko na unang beses naming pumunta sa ganitong klase na coffee shop. It's not like one of those places where you hang out and study.
It's expensive. At ayaw ko siyang maglabas ng pera kasi alam ko na sakto lang iyong dala niya.
"So, seven months," ani Lisa. "Ang tagal niyo na pala."
Mahinang natawa si Sam. "Santi, our friend told us a lot about you."
"Talaga?"
Sam is a great conversationalist. Kabado ako kaya mostly tahimik lang ako. Siya ang nag-entertain kay Santi. Si Lisa naman ay tahimik din.
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...