14
Naging abala ang mga unang buwan sa huling taon ng kolehiyo. Dahil na rin doon ay hindi ko masyadong napapaunlakan ang mga offer sa labas ng kontrata ko sa iilang deals. I won't be entertaining work that much as of the moment.
Kahit kaunti lang ang mga naging subject ko ay sobrang dami ng mga pinapagawa. May mga event din na dapat naming puntahan alang-alang sa clearance.
Alam ko na ganoon din si Santi. Minsan na lang kami nagkikita dahil bukod sa malayo ang mga university namin, abala rin siya sa eskuwela. Ayaw ko namang maging clingy kasi kahit may libreng oras, alam ko na mapapagod lang ako sa biyahe patungo kay Santi.
Kaya minsan lang talaga kami nagkikita. Panay rin naman ang pagpapalitan namin ng text at tawag. It's not a problem though. I'm actually enjoying it that he gives me freedom and space to do things I want. Unlike those boyfriends I had...
"I don't know if I'll be happy that I'm already in my fourth year," daing ni Sam nang nasa coffee shop para mag-aral sa paparating na midterms.
"Oh my gosh, tell me about it," sabay buntong-hininga ni Lisa. "The workload is killing me!"
"Well, reklamo lang naman ang magagawa natin," I replied.
"Unfortunately," si Lisa.
Pagod akong umuwi sa bahay. Bukas lahat ng ilaw. Nakita ko rin na naglinis sina Yaya. Pati mga bulaklak ay nakaayos at ang mga kurtina ng porch ay nakahawi.
"Ano pong meron?" tanong ko sa isang kasambahay.
"Darating daw po rito iyong mga artistang kaibigan ng Mom niyo. Dito po maghahapunan."
I went upstairs. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya kumatok ako sa office ni Dad. Alam ko na narito siya kasi naka-park ang sasakyan niya sa baba.
"Yes?" I heard him behind the door.
Binuksan ko ito at naabutan ko siyang may ginagawa sa laptop niya. Lumapit muna ako para halikan ang pisngi niya.
"May bisita raw si Mom?"
"Hmm," aniya. "Haven't you heard of it?"
"Hindi po. Kasali ba tayo? Is it about work?"
"Sa pagkakaalam ko, casual dinner lang ang mangyayari. You can get dress now, anak. Baka darating na sila maya-maya."
"Okay, Dad..."
Nagbihis ako ng simpleng puting blusa at itim na mini-skirt. Itinali ko rin ang buhok at naglagay ng kaunting kulay sa labi at pisngi. Pagod ako at gusto nang magpahinga kaya 'pag natapos siguro ang dinner, magpapaalam akong matulog nang maaga.
I picked up my phone and sent a text to Santi.
Me:
Hey, just got home. May bisita kami at magdi-dinner daw sa bahay. I'll text you when it's done.
Minutes later, pinababa na ako ng kasambahay. Naabutan ko na sina Mom at Dad sa sala at binati iyong mga bisita namin. It's Carter and his mother and its boyfriend. Tumango sa akin si Carter at tinugunan ko rin siya ng maliit na tango.
"Wow, lumaki nang maayos itong dalaga ninyo, Carol," ani Tita Zenny.
Artista rin ito ngunit hindi na masyadong active kumpara kay Mom. Carter has the same features as her. Ang tangos ng ilong, mapusok na labi, makapal na kilay. Like us, they also grew around showbiz. We are revolving around the same world.
Pagkatapos ng maliit na batian, pumunta na kami sa dining area. Foods were served and we shortly ate after.
"Sobrang bilis nga ng panahon," ani Mom. "Parang preschool pa lang itong sina Frans at Carter noon 'di ba? Tapos ngayon fourth year na itong anak ko."
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...