26

209 7 0
                                    

26

"Totoo ba itong nakikita namin, Santiago?!" gulat na sabi ni Tita Betty.

"A-Anong... hindi ko maintindihan," ani Tito.

Nanlaki ang mga mata ni Tita habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa anak niya.

I've been in this situation before but everything feels different now.

Santi sighed. "Iuuwi ko po siya sa bahay ko."

I pursed my lips. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ngunit tanging pagtango lamang ang nagawa ko. Napasinghap naman si Tita at napatayo.

Mula nang tinawagan ko si Santi kanina, kaagad niya akong sinundo. A black Ford stopped in front of me. Nakaupo ako mula sa pasemano at tinitigan lamang iyon. Kung hindi pa siya lumabas, hindi ko talaga aakalain na siya ang may-ari nun.

Wala siyang tinanong. Wala siyang sinabi. Pinasakay niya lamang ako.

"Can I stay with you for the mean time?" mahina kong tanong sa kanya.

Mula sa daan, lumapat ang mga mata niya sa akin. Napalunok siya at ang mga mata ay naguguluhan. Without a doubt, he nodded. As if he knew what happened.

And I am so grateful for that.

His house was much different than before. Kung noon ay gawa sa concrete at kahoy ay naging two-storey ito. Ang halamanan ay naging maliit na hardin. I saw how they progressed economically. Ilang taon na rin naman ang nagdaan...

Nakapagpundar na si Santi ng sariling negosyo. Hindi ko rin alam kung ano pa ang naging pagbabago sa buhay niya ngunit nakita ko na naging maayos na ito.

May mga kasambahay na rin. The interior looks modern and it's all white. We were greeted by his parents and now, I'm in their dining area. Nakatayo si Santi sa gilid ko habang nakahalukipkip habang ako naman ay pinaligiran ng kanyang mga magulang.

"Ibig bang sabihin, magta-tanan kayo?" tanong ni Tito.

"Sumasakit ang ulo ko, Santiago," ani Tita. "Kapapanganak lang ni Serena tapos ngayon ito."

Lumingon ako kay Santi. Nagkatinginan kami. Si Ate Serena ang nasa ospital? I thought... it's his wife or something. Dahil doon ay nawala ang tinik na nakabara sa lalamunan ko.

I've got nothing to worry about. Except this...

"Umuwi nga kami rito para makaligo at makabalik kaagad roon, tapos ito ang maaabutan namin?"

"Ma... she just needs shelter," tugon ni Santi.

Yumuko ako at bahagyang nahiya. "Pasensiya na po."

"Anong shelter?" si Tito naman. "Hija? Naglayas ka ba sa inyo?"

I gulped and looked at Santi before I looked back at his father. "Opo. Kaya pwede po ba na pumarito muna ako? I don't have anywhere to go."

Tita exhaled. "Frans, hija, ang tagal nating hindi nagkita. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon tayo magkikita ulit. 'Tsaka paano kung hanapin ka ng mga magulang mo? Si Carol Constantino? Tapos alam ko na sikat na sikat ka na at panay ang mga commercial mo sa TV."

"Pansamantala lang naman, Ma."

"Aba kahit na!" Lumingon si Tita sa akin. "Kung ano man ang problema mo, maaayos 'yan ng masinsinang usapan. At akala ko ay nasa ibang bansa ka na at iyon ang sinabi sa akin ni Santiago."

I licked my lower lip. Binalot na talaga ako ng hiya ngayon. But the damage has been done. Nandito na ako at hindi na aayaw pa.

Tumikhim si Tito. "Pero teka... hindi ba kayo magpapakasal?"

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon