09

202 8 2
                                    

09

Nakaupo ako sa harap ng hapagkainan nila habang nakatulala 'yung Mama, Papa, at Ate ni Santi sa akin. Nahihiya akong kumuha ng pagkain at nanatiling pumilit ng ngiti sa kanila.

"Maganda ka pala talaga sa personal," ani Ate niya.

"Kamukha niya ang mama niya," ani Mama niya.

"Ang swerte naman natin," bulong ng Papa ni Santi sa Mama niya.

Bumuntong-hininga si Santi. "Mananghalian na nga tayo. Naiilang na siguro si Frans sa inyo."

"Naku, hindi po. I'm fine."

Mahinang natawa si Santi kaya sinamaan ko siya ng tingin. He ignored his family members who were still starstrucked at naglagay ng pagkain sa plato ko. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Girlfriend mo ba, Santiago?" bulong ng ate niya ngunit rinig pa rin namin.

"Hindi, Ate. Kumain ka na. Ma, tigilan mo na 'yang kaka-nganga mo. Pa, mag-ayos nga kayo. Nakakahiya, eh," ani Santi.

"Huwag ka ngang magsalita nang ganyan sa harap ng bisita natin!" singhal ng Mama niya.

Sumimangot lamang si Santi. Natawa ako. Sinalinan ako ng tubig ni Tita.

"Pasensya ka na talaga, ha. Hindi ko akalain na kaibigan mo itong anak ko. Masyado kaming... hindi makapaniwala na narito ka sa harapan namin."

"Wala pong problema," I replied.

"Hindi ako naniniwala sa picture na ipinakita ni Santiago sa amin na kasama mo siya. Masyado kasing imposible, ngunit wala pala talagang imposible sa mundo."

Tumawa ang mama niya kaya nakitawa na rin ako.

"Uh, anong skincare mo?" nahihiyang tanong ng Ate niya.

"Kahit magtanong ka pa ng skincare, hindi iyan gagana sa 'yo."

Hinampas si Santi ng Ate niya gamit ang kutsara. I started to eat especially when Tito placed food on my plate again. Sobrang dami na ng pagkain sa plato ko at 'di ko alam paano ito uubusin.

"Serena, Santiago, mahiya nga kayo!" ani Tita.

Ngumiti sa akin ang ate niya kaya tinugunan ko ulit ng ngiti. Nagtanong sila tungkol sa akin. Habang abala ako sa pakikipag-usap, tahimik lamang si Santi na nakikinig.

Napansin niya na hindi ko maubos 'yung pagkain ko. Kaya naman sa tuwing nilalagyan ni Tita 'yung plato ko, kinukuha naman 'yun ni Santi at siya 'yung kumakain. Hindi rin naman nila napansin kasi abala sila sa akin.

I smiled secretly at Santi. Ayoko rin naman kasing humindi sa kanila. Nagtaas-baba si Santi ng kilay na parang nakuha ang senyas ko habang abala sa pag-ubos ng pagkain na dapat sana nasa plato ko.

"Pwede bang magpapicture sa 'yo mamaya?" ani Ate Serena.

"Pwede pero bawal i-post," sagot ni Santi.

"Huwag kang mag-alala, walang makakaalam na nagpunta ka sa bahay," sabi ng ate niya. "Your secret is safe with me!"

"Ako rin," sabay ngiti ni Tita.

"Pero bawal ipagkalat sa mga kapitbahay," sagot na naman ni Santi.

Sumimangot si Tita sa kanya, ngunit naglahad ng ngiti pagtingin sa akin. Tumango ako at natawa.

Masarap magluto si Tita kaya hindi ko na rin namalayan na naparami ako. Tinulungan pa rin ako ni Santi sa pag-ubos ng pagkain sa plato ko nang palihim.

Marami pa silang tanong sa akin. Kumportable rin naman ako lalo na at nakakatawa pala talaga ang pamilya nila. I felt envious because we couldn't bear to be close like them. At the same time, naramdaman ko rin naman na welcome ako sa kanila.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon