23

199 5 0
                                    

23

Hindi na ulit kami nagkausap pa ni Santi pagkatapos nun. Balik sa coach-trainee ang relasyon naming dalawa. We were so silent. Nakasunod lamang ako sa kanya.

My gosh, para tuloy kaming nagme-meditate!

Umuwi rin ako na walang imik. I guess it's good. My vacation here in the country is short-lived. I know we'll go back and if I won't take the chances to talk to him and ask about it, I will probably miss the chance anymore.

Hindi ko alam kung kailan ako babalik. It will be months... years... We're already 27 this year. Panigurado kapag bumalik ako ng ilang taon ay may asawa na siya. I bitterly scowled. And if I'm too "bothered" about the closure, baka ako itong hindi na talaga maka-move forward!

"Let's end here," aniya.

I sighed out of relief and sat down first. Mas sumakit ang katawan ko kaysa noong una. When I fixed my hair tie, I saw Santi's hand with a water bottle on it. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Santi na seryosong nakatingin sa akin.

"Thanks," I shyly said and took it from him.

Nakabukas na ito kaya uminom na ako diretso. Pinilit ko ang katawan na bumangon at nagtungo sa bag para kumuha ng towel.

"Let's start the basics next Monday," sabi niya.

"Okay..."

Iyon lang ang sinabi niya at umalis. Again, hindi na naman siya nagpaalam.

Bumuntong-hininga ako at napatitig sa pinto. Magiging ganito na lang ba palagi ang pagpunta ko rito? I am only wasting my time here. I always thought of the closure... but the more I think of it, the more I feel scared.

Kung mag-uusap nga kami, baka hindi ko makayanan. Baka may masabi kami na hindi dapat namin masabi. Baka may magbago. Baka may mangyari.

Even when I first saw him, I got emotional already. Ano na lang kaya kung kokomprontahin ko siya.

Handa ba talaga ako sa pinasok ko? Or was I just forcing myself to be ready?

Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Guestings dito, guestings doon. Photo shoot dito, photo shoots doon. Since my stay here in Philippines isn't that long, the local magazines rushed so that they can finally get a hold of me.

"Heto," sabay lapag ni Richard ng kape sa desk habang inaayos ang buhok ko.

"Thanks. I badly need one."

I placed a towel on my lap so I won't stain the dress I was wearing. Kulang ako sa tulog dahil bumiyahe pa kami kagabi. It was very exhausting. Sana nga kayang takpan ng concealer ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko ngayon.

"After this, we'll have to go to Tagaytay."

Lumingon ako kay Richard. "Tagaytay? How come I never heard of that?"

"Oh, sorry. I forgot to tell you about it. Mr. Smith wants to see you and discuss about your contract. Iyong sa jewelry set?"

Ngunit lunes bukas... Hindi ko na kayang bumiyahe para sa taekwondo session ko.

"Okay..." tugon ko.

To be honest, going to the gym is a waste of time. Mapapagod lang naman ako roon habang naghahanap ng tiyempo para makausap si Santi. Mukhang ayaw rin naman niya akong kausapin.

Ilang linggo na lang at babalik na ako sa US. Hindi ko na dapat ito pinatatagal pa.

Pagdating namin sa Tagaytay, naging mapayapa ang private dinner namin ni Mr. Smith kasama ang iba niyang mga kasamahan. The meeting fell short. Plano ko na ring magbakasyon ng isang araw dito.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon