04
I was clicking my pen while listening to the discussion. May reporting sa gitna pero hindi ako maka-focus. Masyado kong iniisip 'yung pag-follow sa akin pabalik ni Santi.
Alam ko naman na hindi iyon big deal. Kagaya nga ng sinabi ko, we're mutual friends. He also saved my life. Hindi naman dahil sa... may malisya o ano. It would be weird to put malice on it.
Naging ganoon ang pakiramdam ko hanggang hapon... hanggang sa sumunod na araw... at linggo.
"Kanina pa 'yan lutang," sabi ni Sam kay Lisa at tumingin sa akin. "May problema ba? Pinagalitan ka ng mom mo? Si Phil ba?"
Umiling ako. "Hindi. It's just something else."
"Like what?" ani Lisa.
I licked my lower lip. "Like thanking Santi for saving me?"
Saglit na kumunot ang noo ni Sam. "Oh, iyong sa bar? Na nagligtas sa 'yo?"
Tumango ako.
"For what pa?" ani Lisa. "You already thanked him. Unless..."
Umiling kaagad ako. "It's not what you think. I mean, I'm really grateful and I think I should give something to him."
"So 'yung Santi pala ang bumabagabag sa utak mo these past few days, huh," sabi ni Sam sabay tingin sa akin nang malagkit.
"Oh my god. Like what I said, mali ang iniisip ninyo," depensa ko.
"Bakit mo naman alam ang iniisip namin?"
Sumimangot ako kay Lisa. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayokong mag-open up sa kanila tungkol kay Santi. I've been dating boys casually so it's obvious that they're thinking that I like him.
"Ewan ko sa inyo," at inunahan sila ng lakad.
Tumawa sila at humabol sa akin. Kaagad pinaikot ni Lisa ang braso niya sa braso ko at ipinilig ang ulo sa balikat. "Don't be mad. We're just stating the obvious."
"What obvious?"
"Na gusto mo 'yun," ani Sam.
Nagtaas ako ng kilay dahil sa pagtukoy niya ng 'yun' kay Santi. Hindi siya 'yun' lang. Magkaiba nga ang takbo ng buhay ko sa buhay niya, pero hindi iyon dahilan na manliit kami sa kanya.
He's not a model. He doesn't have a prominent background. And based on his pictures, he's not really rich. He's just a plain citizen of the country with parents who have stable jobs. Wala naman akong problema roon kasi hindi naman ako matapobre. And it's not like he's poor or something!
I just can't disregard the distaste. Hindi porket average na tao lang si Santi ay ganyan na sila magsalita tungkol sa kanya.
Nahinto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa nang seryoso. "Like I said, I'm just going to thank him. That's all. Hindi ko siya gusto."
"Yeah," ani Lisa at hinawakan ang balikat ko. "I mean, we're not judging, but he's really out of your league. You date expensive boys, Frans. Not a boy like him."
I only pursed my lips. Hindi ko gusto ang sinabi niya. For sure, kapag nagkakilala sila ni Santi, hindi siya magsasalita nang ganyan. Kaya hindi na lang ako sumabat pa.
Pag-uwi sa bahay, nagtungo kaagad ako sa kwarto at inilabas ang cellphone. Tinitigan ko ang account niya, debating whether I message him or not. Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong binabalik-balikan ang account niya kung may bago ba siyang post ngunit wala.
After a few hesitations, I took one deep breath and sent a message.
Me:
Hello. I hope you still remember me. I'm really thankful for what you did. Perhaps, I want to repay you for your kindness :)
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...