08

219 7 0
                                    

08

The friendship I have with Santi grew over the next months.

Ewan ko rin. Siguro mas kumportable ako kapag siya ang kasama ko. O baka dahil na rin marami akong natututunan sa kanya. He would take me to places I have never been, or let me try things I'm not familiar with.

Sinasamahan niya ako minsan kapag may modelling gig. Sumasama rin ako sa kanya sa mga training niya 'pag wala akong ginagawa. Hindi ko na nga napansin ang paglipas ng mga araw.

Madalas ko na rin siyang naging ka-chat. Panay ang send niya sa akin ng mga meme na nakita sa internet na madalas akong pinapatawa. I don't know where it actually started but I'm happy with it.

"Oh, kain tayo nun," I said and pointed at the streetfood outside the university.

Noong nakaraang linggo, kumain kami ni Santi sa isang food court na puno ng streetfood. Ayaw ko talaga sa una, kasi maraming sinasabi si Mom noong bata pa ako na masama raw ito sa kalusugan kasi puro prito at marumi raw.

I was really persistent to let Santi eat alone. Ngunit pinilit niya talaga akong tikman ito.

"O, ano? Masarap, 'diba?" he asked when I tried a fishball.

Hanggang sa nagtagal kami kakakain. I know it's really unhealthy, that's why I also took time to exercise after to maintain my weight.

"Streetfoods?" ani Sam nang tiningnan ang tinuro ko.

"You're eating streetfoods, Frans?" asked Lisa.

Naglakad ako papunta roon. Kahit ayaw nung dalawa ay sumunod pa rin sila sa akin. Pinigilan kong mangiti nang nakalapit ako at natanaw iyong mga streetfood na kinain namin ni Santi.

"Pabili po nito," sabay tura ko sa tempura. Kumuha si manong at sinimulan niyang lutuin sa kumukulong oil.

Lisa chuckled sarcastically.

"Ayaw niyo?" I asked.

"Let me try one," ani Sam at nagturo na rin ng kakainin.

"Ayaw mo ba talaga?" tanong ko kay Lisa nang isinawsaw sa ketchup ang lutong tempura.

"No. I'm on carb-control," aniya. "Naninibago ako sa 'yo, Frans. Kumakain ka na pala ng mga ganyan?"

"What's wrong with it? It's tasty."

Napangiti ako nang tinikman ni Sam ang fishball niya. At first, ngumiwi siya ngunit nang nginuya na ito nang dahan-dahan, nag-order ulit siya.

"Libre ko na," I said to her. Tumingin ulit ako kay Lisa. "Kung gusto mong kumain, kuha ka na lang."

"No way," she replied.

After naming kumain, nagpunta na kami sa sasakyan ko. I said that I'll be taking them home. Finals were done but the amount of requirements were enough to make us dizzy. Kaya naman imbis na gumala, nagdesisyon kaming umuwi nang maaga.

"Kailan ka lang kumakain ng mga ganoon?" Lisa asked. "Naninibago ako sa 'yo."

"Anong ganoon?"

"Streetfoods. Duh."

I gulped. "Just recently. I saw one outside the village and tried it."

Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang naging pagkikita namin ni Santi. Alam ko na wala namang mali na sumasama ako sa kanya, may pakiramdam lang ako na hindi ko dapat sabihin. And I feel very guilty for my friends.

I feel like betraying them by not saying the truth.

"Are you really sure?"

"Yep," I answered.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon