06

247 7 1
                                    

06

"Santi!" tawag ko sa kanya.

Kunot-noo siyang bumaling sa akin. Hindi niya ako nakilala kaagad. Kumaway ako sa kanya nang binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Frans? Ikaw pala," aniya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita nang nasa harap na niya ako. I don't know... I was just mesmerized and comforted when Santi looked at me. Medyo nawala rin ang sistema ng alak sa katawan ko.

"May mga kasama ka ba? Bakit mag-isa ka lang?" sunod-sunod niyang tanong.

"Yeah. But they left already. Ikaw? Mag-isa ka lang ba?"

How foolish of me. Malamang may mga kasama siya. Bakit ka naman pupunta nang mag-isa sa bar, 'diba? Maybe he's with his friends. Or his girlfriend. Nawala ang ngiti ko dahil sa naisip.

"Kasama ko ang mga kaibigan ko," aniya. "Nasa loob pa."

"Oh, okay."

It was awkward when I ran out of things to say. Medyo distracted ako sa desisyong magpadalos-dalos nang hindi nag-iisip.

"Pauwi ka na ba?" he asked.

Tumango ako.

"May maghahatid ba sa 'yo?" he asked and looked around.

"Wala..."

To be honest, I was so confident that he would assist me. Pero mali ako sa parteng iyon. Malamang ay mga kasama siya. My god, ang impulsive ko naman!

"It was nice seeing you again," I said. "Mauna na siguro ako. Baka hinahanap ka na rin ng mga kaibigan mo."

Inilapat niya ang mga labi at tumango sa akin.

Of course, he wouldn't mind. Hindi naman kami close. At least, nakita ko siya ulit. May bahid ng pait sa puso ko na wala man lang siyang sinabi pa.

Tumango ulit ako sa kanya. Pagtalikod ay nawala ang ngiti ko. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano pala kalamig sa labas. I was wearing a white crop top and high waisted jeans. Wala man lang akong dalang jacket.

Lisa was right. Pero wala rin naman akong pinagsisihan. At least, nakita ko siya ulit. Napangiti ako dahil doon. Marami din namang taxi, so it's fine.

"Frans!"

Nahinto ako at tumalikod. I bit my lower lip to stop myself from smiling when Santi jogged to my direction. Tumatalon ang malambot niyang buhok. Ngumiti siya nang nahinto sa tapat ko. He was breathing so hard.

"O, bakit?" I asked.

"Sabay na tayong umuwi," aniya, bahagyang hinihingal.

I pursed my lips just to stop my smile. Baka mahalata pa niya na gustong-gusto ko 'yung sinabi niya. My god, Frans!

"How about your friends?" I asked.

"Malalaki na sila. Kaya na rin nilang umuwi mag-isa."

"Okay..."

He shyly touched his nape. "Uh, kaso wala akong sasakyan, eh. May mga jeep pa naman ngayon. Ayos lang ba sa 'yo?"

Natawa ako. "Oo naman. Ayos lang sa 'kin."

"Sumasakay ka ng jeep?"

I shyly shook my head. "Nope. But I rode it twice. Ayos lang naman sa 'kin."

Natawa siya. "Okay."

I lied. Hindi pa ako nakakapag-jeep. Mom would not let me ride one. May driver din naman kasi kami kaya kahit gusto kong mag-taxi o tawagan na lang si manong para sunduin kami, ayoko rin namang mabigo siya.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon