19
"Tara! Sa dance floor na tayo!" nakangiti kong yaya sa mga kaibigan ko.
Tumayo ako at nilagok ang basong puno ng alak. Mahina akong nagmura nang gumuhit ang init sa aking tiyan. Maingay at maraming tao sa bar kaya ginaganahan akong sumayaw.
"Tara na," yaya ko ulit sa kanila.
Sam just looked at me with sadness in her eyes. Si Lisa naman ay parang nagdadalawang-isip kung sasama ba sa akin.
"Come on," pilit ko.
"Lasing ka na, Frans," ani Sam. "Just cool down a little bit."
"Lisa ikaw na lang. Ang KJ nitong si Sam."
"M-Mamaya na lang siguro?"
Bumuntong-hininga ako. Nagtinginan silang dalawa.
"Kung ayaw niyo, ako na lang mag-isa."
Ngunit hinila ni Sam ang braso ko kaya naupo ako ulit. Inis kong binawi ito sa kanya at sinamaan siya ng titig.
"What's wrong with you, Frans? You've been like that for months already!"
Hindi ako sanay na sinisigawan ni Sam. But I quickly regained my shock and arched a brow.
"Ayaw niyo ba na ganito ako? Ikaw, Lisa? You keep on forcing me to have fun, right? I'm now having fun kaya magsayaw na tayo sa baba."
Malungkot na bumuntong-hininga si Lisa, mukhang naiiyak pa.
"Ano?" I asked them.
Lisa exhaled. "Naghiwalay na ba kayo ni Santi? I mean, you're broken-hearted and that's why you're doing this, right?"
When I heard his name, I almost give up. I almost shed a tear. Uminom na lamang ako ng alak para mamanhid nang pansamantala man lang.
Ilang buwan ko na nga ba siyang iniiwasan? Four months? Five? I lost count. Ayaw ko lang talaga siyang kausapin. O baka masyado lang talaga akong naduwag. At naiinis ako sa sarili ko.
Kada oras niya akong tinatawagan kaya nagpalit ako ng sim card. Hindi na rin ako pumupunta sa UP kasi pinapabantayan ako ni Mom. He went to the university many times but I won't show up. Let's just say I ghosted him... but I just don't know what to do.
Tuwing gabi kong iniisip si Santi, umiiyak, humahagulhol. There's never a moment that I don't think of him. Namimiss ko na siya, ngunit mas nanaig ang takot ko kay Mom.
It has to be Santi or the career I want to pursue in the future.
Mas tatanggapin ko yata kung gusto ko pareho, e. Pero... kayang-kaya kong iwan at hindi pansinin si Santi nang biglaan. And I always question how bad I am for that.
My career weighed more than him. My passion weighed more than the love I have for him.
At hindi ko alam kung tama ba iyon... I don't deserve him. I don't deserve him at all.
"We're fine, Lisa," I assured her.
"May problema ba kayo ng Mom mo?" ani Sam.
Umiling ako. "Not at all. Gusto ko lang magsaya kasi ilang weeks na lang at ga-graduate na tayo."
Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sam. They all know there's a problem. Gusto ko mang sabihin sa kanila, hindi ko alam kung paano gawing salita itong nararamdaman ko ngayon.
"Fine," Lisa surrendered.
Iniwan namin si Sam at nagtungo sa dance floor. Tinanggal ko ang hair tie at hinayaan ang mataas at maalon kong buhok na sabayan ako sa pagsayaw. I closed my eyes and just let the music swayed me.
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...