21

208 6 0
                                    

21

"It's a very wonderful day," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Kahit hindi ako lumingon kay Richard na nasa driver's seat, alam ko na nakasimangot siya. Mas lalo lamang akong napangiti dahil doon. Kinuha ko ang compact mirror sa mamahalin kong training bag at tiningnan ang sarili.

"Sana pala ay hindi ako nagpa-schedule ng mani-pedi kahapon," I said. "Masisira lang itong kuko ko ngayon."

From the front mirror, Richard scowled.

"Oh, come on. Suportahan mo naman ako bilang manager," I said.

"I will support you in work, hindi sa kalandian."

"It's not kalandian!"

Ngayon kasi ang unang session ko sa taekwondo. Sa mga nagdaang araw, ito lang ang inabangan ko masyado. I spent more days with my parents' home. Iyon nga lang, medyo nagtatago ako para hindi makilala.

"Oh, I look pretty there," sabay turo ko sa nadaanang billboard.

Nakangiti ako habang pinapakita ang relo na ine-endorse. I am used to seeing my faces in public, but it still gives me butterflies.

Kinakabahan ako. Ilang beses ko na sigurong inayos ang suot na sports attire. I ordered it outside the country. Hindi naman kasi ako mahilig sa intense sports kaya wala masyado akong attire.

Gusto ko rin naman maging maayos nang makita ulit si Santi.

Ugh, thinking about him makes me want to run away.

"Tumawag ka kung may mangyari," ani Richard pagdating namin.

"You won't accompany me?"

"No. Sabi mo naman na labas ako rito, diba?"

I sighed. "Fine."

"Ipagdadasal na lang kita na makausap mo na iyong ex mo para matapos na tayo rito."

"Pray harder," payo ko. "Mukhang matinding laban ito."

I hope I'm not getting attention as I wore my sunglasses. Nakasuot ako ng cap, branded sport shirt and leggings. I also wore the limited edition shoes that the company gave for endorsement.

Ala una ng hapon nang nakarating ako sa building. Halos lumabas ang puso ko sa kaba. Gusto ko tuloy mag-back out.

"Pangalan po?" tanong nung nasa counter.

"Uh... Cheska Lim."

Iyon ang ni-register ni Richard para hindi ako mabuking. I just really hope that no one can recognize me. I requested a special private training so there won't be an audience.

May mga tao sa loob kumpara noong unang punta ko rito. They were all practicing. Mabuti na lang at sabi ni Richard na hindi raw matao kapag lunes. He did some thorough research.

"Hintayin niyo na lang po ang coach ninyo," aniya.

"Well, can I confirm if it's really Santiago Corpuz... uh... iyong magtuturo sa akin?"

"Opo, ma'am." Sandali siyang nagkunot-noo. "Pero first time po ba talaga niyo rito? Hindi ba kayo regular?"

I shook my head.

"Parang nakita na kasi kita noon."

I forced a laugh. "Naku, hindi pa tayo nagkikita, Miss."

Pumunta ako sa maliit na kwartong sinabi ng babae. It was spacious enough for ten people though. Buong glass wall ang kanang bahagi kaya kita ko ang view ng siyudad.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon