15

203 6 0
                                    

15

Kinabukasan nang araw na iyon, kinausap ako ni Mom tungkol sa pagkakaroon ng kontrata sa showbiz. But I was still persistent not to take it.

"Hayaan mo na lang ang anak mo, Carol," Dad defended.

Nagtimpi si Mom ngunit hindi siya nanalo sa usapan. Kaya naman kahit umaga pa ay nakabusangot na ako.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Am I angry? Frustrated? But for what reason? Masyado akong distracted. Una ay dahil sa sinabi ni Carter. Pangalawa, 'yung patuloy na pangungumbinsi ni Mom sa akin na umarte. Pangatlo naman ay ang paparating na exam.

Santi and I were consistent in talking to each other, but I really want to see him. Kaya naman nag-message ako sa kanya na pupunta ako para sabay kaming mag-lunch.

"I thought we're going to the new restaurant?" tanong ni Sam.

"Yeah, but I made plans. Kayo na lang muna ni Lisa. Sabihan mo na lang siya."

Ngumiti siya. "Pupunta ka ba kay Santi?"

Tumango ako.

"You've changed, Frans..."

Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko iyon inasahan. Akala ko ay sisimangot siya ngunit nakangiti ang kaibigan ko sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

She giggled. "You seem happy and peaceful with him. Mahal mo nga yata 'no?"

A small smile appeared. "Yeah..."

"Akala ko nga ay hindi kayo magtatagal. Baka you only love the thrill he's giving you, because he's really... different in a unique way. Ngunit akalain mo 'yun, maglilimang buwan na pala."

Kaya gusto ko talagang kausap si Samantha kasi open siya sa mga ganitong bagay. Nakokonsensiya pa rin naman ako na inilihim ko kay Lisa, ngunit may pakiramdam lang talaga ako na ayaw kong sabihin, e.

I love her as a friend, but even friendships have boundaries, too.

"Ang bilis ng panahon," I said with a sigh.

"Sobrang bilis nga..." Ngumiti siya sa akin. "I'm happy that you're happy. Sana makilala ko na siya in the future."

"Oo nga, Sam. For sure, matutuwa ka. He's just... everything I wished..."

Kahit masakit ang ulo sa rami ng inaral kanina, buong puso akong bumiyahe papunta sa UP. Hindi rin nakatulong ang traffic.

Lowbat na ang cellphone ko at pinatay ko na muna habang isinaksak sa sasakyan. Nag-text na rin naman ako na maghihintay ako sa labas ng gate. Nakaabang lamang ako nang makita si Santi at may kausap na babae habang palabas.

I furrowed my brows. May sinabi iyong babae at natawa naman si Santi. I can hear his laugh just by looking at him. The girl looked as white as snow, too. Maganda at manipis ang mga labi. Mukhang mahinahon.

Are they close? Huminto muna sila sa may gilid at nagpatuloy sa pag-usap. Humalukipkip si Santi habang nakinig sa babae. Makaraan pa ay tumawa na naman siya! Aba'y bakit ang saya-saya niya yata?!

Nagpaalam na ang babae sa kanya at kinawayan niya pa! Kunot-noong kinuha ni Santi ang cellphone mula sa bag pack niya at kinalikot ito. I turned the engine on and drove towards the pathway in front of him.

Nang mapansin ako ay ngumiti siya. Tinted ang salamin ng sasakyan ngunit parang nahanap niya ako roon.

"Hello, princess," aniya nang pumasok sa passenger's seat.

"Princess," I sarcastically repeated and rolled my eyes.

Nawala ang ngiti niya at nagkunot-noo. "Bad mood ka yata."

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon