End
"Oh my gosh, Santiago?! Matagal ka pa ba?"
Pinigilan ko ang matawa nang marinig si Franceska sa telepono. I put it on speaker so I can drive properly.
"Pauwi na ako."
"Kanina pa 'yang pauwi mo, ha?! Iyong pizza ko?!"
"Nandito po, ma'am," tugon ko sabay tingin sa dalawang box ng pizza na nasa passenger's seat.
Simula nang magbuntis, daig pa ang katipunero sa pagkamatapang, eh.
She just transforms whenever she craves something. As much as I want to laugh, I composed myself not to let her hear it.
Hindi ko alam na magiging mas masaya pa pala ako nang sorpresahin ako ni Frans na buntis siya isang taon pagkatapos ng kasal namin. I remember how she held the pregnancy test when I came from work. I remember how I cried because of happiness.
Pinakasalan niya ako, tapos magkakaanak na kami. The wait is just worth it.
"Bilisan mo na kasi," aniya.
"Malapit na ako. Nasa may intersection na."
"Hmp! Okay!" she said and ended the call.
Nakangiti pa rin ako kahit ibinaba na niya ang tawag. Delikado. Masyado ko talaga siyang mahal.
I arrived at the village we both bought after the wedding. It was a modern two-storey house. Wooden ang internal theme ng bahay. Kami na rin ang dumisenyo. Ika nga, dream house namin.
"Magandang gabi po, Sir," bungad ng kasambahay na pinagbuksan ako ng gate.
Bumaba ako sa sasakyan at sinalubong niya ako. I politely handed her the documents I brought from work. Hindi pa kasi ako tapos ngunit kailangan ko nang umuwi kasi naglilihi na si Misis.
"Sa study na lang po 'yan, Manang," sabi ko. "Si Frans?"
"Naku, nakatulog po sa sofa. Naghihintay po sa inyo."
"Masyado bang nagsusungit?"
"Opo, eh..."
Mahina akong natawa. "Pagpasensyahan mo na lang ang buntis, Manang."
"Wala pong problema, Sir. Naiintindihan ko naman po kasi naranasan ko rin 'yan."
I nodded at her. Kinuha ko ang dalawang box ng pizza at nagtungo na sa loob.
The moment I entered the house, I saw the wall of the hallways with our pictures taken from different countries we travelled the first two months we got married. Each picture is memorable.
Bumalik siya sa Amerika ng isang linggo pagkatapos ng kasal para i-check ang negosyo niya roon at sumunod naman ako pagkatapos na ayusin ang trabaho rito. Then we immediately began our world trip.
Doon ko rin nakita kung paano siya magtrabaho. I saw how she guested on an interview. Kung paano siya mag-photo shoot. Kung paano mag-desinyo ng damit.
Damn, she looked very attractive when she's in focus. I am so lucky to marry an independent and career-driven lady.
Napangiti ako nang makita si Frans na nakahiga sa sofa. Nakatagilid siya at nakahilig sa unan. Her small baby bump was already visible. I sat on the floor to kissed it then I kissed his forehead.
Pambihira. Kahit tulog ay nakasimangot pa rin. May katabaan ng pisngi si Frans kaya ang cute-cute niya tingnan. Kung sa bagay, siya pa nga itong mukhang hamster, eh.
These days, napapansin ko na ang dahan-dahan na paglobo ng timbang niya. I know how she takes care of her body and I'm very careful not to hurt her by her weight. Madalas ko siyang napapansin na nalulungkot kapag napapansin na lumalaki na siya.
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...