25

198 8 0
                                    

25

Nakatunganga lamang ako habang nakaupo mag-isa sa loob ng sasakyan.

It has been 20 minutes since he left the car. Throughout the whole time, I was just crying silently. Lumilipad ang utak ko. Sino iyong manganganak? All this time, may asawa na ba siya? Am I too late already?

The more I think about it, the more I badly want to make him mine again. My gosh, Franceska! Ang tanga-tanga talaga!

After all, it's not the closure after all! Lagi kong dinedeny na hindi ko na siya mahal sa mga nagdaang taon, e, siya lang naman palagi ang hinahanap-hanap ko.

Gigil kong hinampas ang manibela. "Ang tanga mo..." I whispered to myself.

And if I'm too late, maybe it's really the time for the both of us to be on our own ways.

I was so sure to leave and just text him to forget about it. But I was too late when I saw Santi going outside of the hospital. Naglalakad siya ngayon papunta sa sasakyan. Kaagad akong nagmadali sa pagpunas ng mga luha sa mukha.

Balisa siyang pumasok sa passenger's seat. He closed the door and just sat there while looking at the front. Tumingin na lang din ako sa harap. It was silent... but we don't need words to understand what is going on right now.

Dahan-dahan kong isinandal ang ulo sa upuan. Hindi ko na matigilan pa ang luhang kumawala sa kanan kong mata.

"Noong gabing nagkausap tayo," mahina niyang panimula, "totoo ang lahat ng sinabi ko sa 'yo, Frans. Hindi ako nagsinungaling. Gusto kong mag-usap tayo tungkol doon."

I breathed heavily. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa harapan, hinahanda ang sarili sa maririnig.

"Kaso..." Bumuntong-hininga. "Nang pauwi na ako, may bigla kasing kumausap sa akin, e..."

I turned to look at Santi and met his tired eyes.

"It's your Mom," he whispered.

Kumunot ang noo ko. I was filled with questions but I couldn't speak a single thing. Si Mom? Bakit? Paano?

"Susunduin ka na sana ng driver mo nang gabing iyon. Nasa back seat ang mama mo... tapos nakita nila tayo. Nakipag-usap siya sa 'kin, Frans."

I furrowed my brows. "Kinausap ka niya?"

He sighed and leaned on the chair. "Sana huwag mo itong masamain. Naiintindihan ko naman iyong gusto niyang iparating. Para lang naman 'yun sa 'yo-"

"Anong para sa 'kin? Hindi ko maintindihan."

Napahilamos siya gamit ang kamay. "Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa 'yo, e. I don't want you to hate your Mom."

"Sabihin mo na lang sa 'kin, Santi. I will try to be open about it..."

"Sinabi niya sa 'kin na pupunta ka raw sa ibang bansa pagkatapos mong mag-aral. Baka raw makaharang ako sa mga pangarap mo."

"Oh my gosh," I mumbled. "And you agreed?!"

Hindi siya nagsalita at napapikit.

"You agreed that easily?! Kaya ka hindi sumipot?"

"Yes!" singhal niya.

"Why, Santi? You can't be that simple!"

"Mama mo siya, Frans. Alam ko rin kung gaano kahalaga ang mga pangarap mo sa 'yo! At kung tayo naman talaga-"

"Bullshit, Santiago! Destiny na naman?! Naniniwala ka pa rin diyan?"

His eyes looked offended as he looked at me. "Naniniwala pa rin ako, Frans. Iyan na lang ang dahilan ko para hindi ka bitawan."

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon