31
After our lunch, we separated ways. Masaya ako na nagkaayos na kami ni Mom, pati na rin silang dalawa ni Santi.
I sighed and rested my head on the car's window. I know I should be happy but I feel bothered about something. Inabala ko na lang ang paningin sa labas para hindi na ako mag-isip pa nang kung ano.
"You okay?" Santi asked.
Bumaling ako sa kanya, nakahilig pa rin ang ulo sa bintana. Tumango ako.
"Sure?"
"Yeah. I'm just tired."
His right hand went from the steering wheel to my head and patted it gently. Mas lalo tuloy na bumigat ang nararamdaman ko.
"Gusto mo bang umuwi na lang sa bahay para magpahinga?" tanong niya.
"No, I'll stay. Mukhang kikitain ko rin muna si Richard para makapag-usap kami."
Kumunot ang noo niya. "Kayo lang dalawa?"
Tumango ako.
"Saan?"
"Sa condo ko."
Sumimangot na siya nang tuluyan. I chuckled.
"Hindi pwede, Frans."
"Anong hindi pwede? Wala lang naman sa amin 'yun."
"Kahit na."
Natawa ako. "Like I said, we both like men so you shouldn't worry about me."
He pursed his lips while his eyes were fixed on the road. I took the chance to stare at Santi. With each second, my heart began to long for those many years without him.
"Fine," aniya na mukhang nag-isip nang taimtim. "Ihahatid kita sa unit mo. I will also fetch you."
"Okay..."
Ganoon nga ang nangyari. Ayaw ko rin naman kasing bumuntot sa kanya at baka makaabala pa ako. I also want to talk to Richard, not as a manager, but as a friend. I just want to clear things up.
Kinuha ko ang key card na nasa aking purse at binuksan ang condo unit ko. When I opened it, I expected a lot of mess like the time I left it. Ngunit malinis ito.
Walang nakakalat na damit at mga sapatos. Walang leftover. Richard took great care with my unit for almost three days. Kailangan ko yatang taasan ang sahod niya.
I thought no one's home. Until Richard came inside from the balcony. Nakasuot siya ng gray t-shirt at pants. Sabay na lumaki ang mga mata namin nang magkatinginan.
"You witch!" sigaw niya at tinuro ako.
I smiled. "I missed you, too."
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?! Sana naman tinodo mo na at ginawa mong isang buwan."
Umupo ako sa sofa at tumawa. "I am not that irresponsible enough, you know."
"Anong ginagawa mo rito?"
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, Richard. Anong ginagawa mo rito? Sa unit ko?"
Bumuntong-hininga siya at umupo sa katapat na couch. I can see that he's worried.
"I know that I will find you here," aniya. "Kumusta ka na? You aged."
"OA. Tatlong araw lang naman akong nawala."
"You are the cause of my high blood pressure, Franceska."
I chuckled. "Alam ko."
"So, ano? You're back to business?"
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...