16
Nasa kwarto ako at nanonood ng palabas nang may kumatok sa pinto. Sabado at tinatamad akong tumayo kaya sinabihan ko lamang na buksan ito.
"You're still wearing your sleepwear, Franceska?" inis na bungad ni Mom.
"Wala po akong pasok at tinatamad akong lumabas."
I paused the movie. Bumangon ako at sinuklayan ang buhok gamit ang mga daliri. Bihis na bihis si Mom at mukhang aalis na.
"Hindi mo ba natanggap ang email?" she asked.
"I haven't opened one since last night. Pagod ako. Bakit po?"
"Tungkol iyon sa sample contract na sinend ng agency sa iyo. Review it and ask me if you have questions. Magme-meet kami mamayang hapon ni Direk, ang he's talking of a possible movie with you-"
"Oh my god, Mom, you did not..."
Hindi ako makapaniwala! Nagsasalita siya na para bang sigurado nga ako. Tuluyan na akong tumayo sa galit at gulat.
"Alam mo naman na ayaw ko, Mom," sabi ko. "Bakit ba hindi mo pa rin maintindihan 'yun?!"
"I know that you'll end up in the showbiz industry, Franceska. Para saan pa 'yang pagmomodelo mo kung hindi mo gagamitin ang kasikatan mo-"
"I did not do it for fame! Kung para sa iyo, para lang sa kasikatan at pera lahat, ibahin mo ako, Mom. Ayaw ko nga."
"Ang tigas talaga ng ulo mo 'no? Everything's been done for you. All you need to do is sign."
"Iyon na nga, e... Everything's been done for me. And I hate it! Kahit pa putulan mo ako ng allowance, o kunin mo 'yung sasakyan, kahit hindi mo na ako pag-aralin, hindi ako papayag."
Puno ng galit ang mga mata niya. "And what?! Do good in life?! Hindi madali ang ginawa ko para mabuhay ka nang mabuti."
"Mom, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo sa akin... pero ayaw ko nga. Ayaw kong daanan ang daang pinagdaanan mo na."
She chuckled. "You will never achieve your dreams, Franceska. Kailangan mo ako. You need every inch of my legacy to succeed."
Kinuyom ko ang kamao. Hindi ko gusto na siguradong-sigurado siya roon. Nakakababa ng dangal. Nakakababa bilang tao.
"You want to be a model? Take a spot in business? Okay, fine. Go... But wherever you go, everything will still give way not because of your hardwork, but because I am your mother... You will never escape my name... and my blood... because it also runs in your veins."
Nangingilid ang mga luha ko. Wala akong tanging ginawa kundi ikuyom ang mga kamao at pigilan ang mga emosyon.
"You will never make a name for yourself, anak. It's always because of me..." aniya at hinamon ako sa tinginan.
Gusto kong magsalita ngunit walang lumabas kahit isa. Nanginginig na ang mga kamao ko. Nangangatog na rin pati ang tuhod ko. Ayaw kong maging ganito kahina. Ayoko...
She gave me a look before she went outside the room. The moment she closed the door, naupo ako sa sahig at hinayaang bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigilan.
Kahit na hindi kami magkasundo tungkol sa ganito, naiintindihan ko pa rin naman siya... ngunit naubos na yata lahat ng pag-iintindi ko. I was filled with anger... and hatred...
Umalis ako ng bahay gamit ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta gusto ko lang makalayo muna.
I dialled Santi's number. Alam ko na busy siya sa training ngunit gusto ko lang talaga ng kausap.
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomansaWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...