02

383 9 1
                                    


02

"You're studying again?" sabi ni Sam, kaibigan ko, nang maabutan ako sa Kiosk.

I have nothing to do on my free time. Nakakabagot mag-cellphone. Ayoko ring umuwi. Kaya naman nag-message ako sa mga kaibigan ko na puntahan ako 'pag tapos na ang klase. I also decided to flip some pages... nagbabasakaling may pumasok sa utak.

"Masyado namang exaggerated 'yang again mo. I'm not always studying," I replied, emphasizing on the word 'again.'

"You are," aniya sabay bigay sa akin ng orange juice at umupo sa katapat na bench.

"Minsan lang," I admitted. "Alam mo naman na delikado ang grades ko. 'Tsaka baka hindi na ibigay ulit ni Mom 'yung sasakyan ko. Nakakainis."

The moment she found out about my midterm grade, she immediately took my car. Mabubuhay pa rin naman ako na wala iyon, kaso hassle lang talaga na laging hinahatid-sundo. Bantay sarado rin ako 'pag ganun.

"Sobrang strikta ng Mom mo sa 'yo pero hindi naman 'yan ang lagi kong nakikita sa instagram."

Natawa ako. "That's why you should not trust social media, Sam. You never know which is true or not."

Natawa na rin siya. "Nagyayaya si Lisa mamaya. Gala raw tayo."

Sumimangot ako. "I'm not sure if I can come. Alam mo naman si Mom..."

"Oh come on!" daing ni Lisa na kararating lang. She placed her brand new bag on the table and plucked out his lollipop from her mouth. "Minsan ka na nga lang sumama sa 'min, eh."

"Susubukan ko."

"Sige na..." she insisted.

"Magagalit si Mom, 'tsaka baka may sabihin ang mga tao. Alam mo na..." I trailed off.

"Forever ka na lang bang magpapaalipin sa mama mo, Frans? Live life!"

"It's called public image, Lisa," I corrected.

Sumimangot siya at tumingin kay Sam. "Pilitin mo siya. Sige na."

"Pilitin daw kita," ani Sam sa 'kin.

Lisa pouted at me. "Sige na, sige na, sige na."

I cocked my brow. She sounds familiar. Napangiti ako nang biglang naalala 'yung nakilala ko sa convenience store weeks ago. Si Santi. Pareho sila ni Lisa na makulit at maingay.

"Hindi ako sure, okay?" tugon ko. "Pero susubukan ko."

"Hindi naman tayo maglalasing masyado, eh. Konti lang." Lisa even winked at me.

"No, we should not get wasted," paalala ko.

Nakakatakot na baka umabot 'yun kay Mom. As much as I dislike her career, may respeto pa rin naman ako para sa pamilya namin. We're known to be noble and I want to keep it that way.

It was five p.m. when I told the driver that I've got some business to do.

"Pero ma'am, mapapagalitan po tayo ni Ma'am Carol," sabi niya.

"Tatawagan ko siya beforehand. 'Wag ka nang mag-alala, Kuya. I'm 20 already. Hindi na ako bata."

"Paano po kung may mangyari sa iyo?"

I sighed. "Walang mangyayari sa 'kin. I'm with my friends at ihahatid kami ng driver ni Lisa. Uuwi rin ako on time."

Hindi siya nagsalita pero kumunot ang noo niya sa pag-aalala.

"Kapag may ginawa si Mom sa 'yo, o sa trabaho mo, just tell me. Kakausapin ko siya. Basta labas ka na rito," I added.

"Sige po," malungkot niyang sang-ayon. "Tawagan niyo na lang po ako 'pag may problema o gusto niyong sunduin ko na kayo."

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon