28

217 5 0
                                    

28

"Nandito na si Santi," sabi ni Ate Serena.

Nahinto kami sa pagtatanim nang pumasok ang sasakyan ni Santi sa garahe. Pagkatapos kasi naming mananghalian, tinulungan ko si Tita Betty sa paglilipat ng mga tanim niya sa hardin.

It was my first time, but it was fun and satisfying. Kaso nga lang, palagi akong sinasabihan ni Tita kung ano ang dapat kong gawin kasi hindi naman ako marunong. But overall, it's fun. Si Ate Serena ay kandong-kandong si baby Tiana habang nakatingin sa aming dalawa.

"Mag-meryenda na rin muna tayo," sabi ni Tita.

Tumango ako at tinanggal ang gloves. Santi got out of his car, looking dashing with his white long sleeves and black slacks. May hawak siyang malaking paper bag at eco bag sa tig-isang kamay.

"Sa kusina 'yan," sabay bigay niya sa katulong nung eco bag.

Pumasok sila habang ako naman ay dumiretso sa kanya. Nang makita ako, mahina siyang natawa. 'Tsaka lang ako naging conscious na baka amoy-pawis ako nang nakalapit na sa kanya.

"Gardening?"

Tumango ako. "Tinulungan ko si Tita. I have nothing to do that's why..."

He smiled. Sabay kaming pumasok ng bahay. He handed me the paper bag.

"Ano 'to?" tanong ko nang tinanggap ito.

"Mga damit. Bumili na ako nang nag-grocery."

Sumilip ako at nakita ang maraming mga damit doon. May pambahay, pantulog, at iba pa. And I saw price tags!

"You didn't have to, Santi. May pera naman ako, e... I can buy for myself."

"May pera ka nga, nasa pamamahay ka naman namin. Responsibilidad kita, Frans. Ayaw kong may masabi ang Mama mo tungkol sa akin."

I pouted when he mentioned my Mom. Even after all the things my mother said to Santi, he still respects her.

"Maraming salamat dito," mahina kong tugon.

Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok.

"Magluluto ako ngayon," aniya. "Gusto mo bang tumulong?"

Tumango ako at ngumiti. I have never seen Santi cook, that's why I agreed without hesitation.

Nag-meryenda na muna kami. Pagkatapos ay umakyat ako para mag-shower. I changed to one of the clothes Santi bought. May t-shirt doon at pajamas. He also gave me a blower from his condo because he figured out that I might need it.

Habang pinapatuyo ang buhok, hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa trabaho ko. Ano na kaya ang nangyayari ngayon? I've been distant from the news and I turned off my phone ever since Richard called.

Si Mom? Hindi ba nila ako hinahanap ngayon? Kahit marami akong tinalikuran, kailangan ko rin naman 'to.

Ilang taon akong nawalay kay Santi dahil sa miscommunication. Ngayon lang ulit kami nagkita. Ilang taon ko na ring paulit-ulit na dineny ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.

Magiging selfish na muna ako ngayon... I've been choosing my career for years. Let me choose him now.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina. Naroon na si Santi at nakabihis na sa isang navy blue na t-shirt at gray shorts. Huminto siya sa paghihiwa nang mapansin ako.

"Nasaan ang mga tao?" tanong ko.

"Si Ate nasa kwarto. Si Mama at Papa may pinuntahan sa kapitbahay."

Tumango ako. I saw visible veins in his arms. Sa nagdaang mga taon, mas defined na talaga si Santi. Habulin siguro siya ng mga babae...

"Anong lulutuin mo ngayon?" I asked and sat beside the nook.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon