18

190 5 0
                                    

18

"Sure ka ba talaga sa desisyon mo?" tanong ko kay Santi sa telepono.

I heard him chuckled. "Seryoso nga. Maghanda ka na diyan. Papunta na ako."

"Fine." Natawa na rin ako. "See you later."

"See you later, Princess," aniya at ibinaba ang tawag.

Bumuntong-hininga ako ngunit hindi na natanggal ang ngiti sa labi. Tumingin ako sa salamin at pinasadahan ng tingin ang suot na pulang spaghetti dress. It stopped on my upper knee. I also wore heels, but only those simple ones.

Hindi ko pa rin gets ang ibig sabihin ni Santi tungkol sa sinasabi niyang date. Kahit tumanggi ako dahil baka nag-aaksaya lang siya ng pera at panahon, ayaw talaga niyang magpaawat.

Sinuot ko rin ang jewelry set na binili ko sa Tokyo a year ago. It was a silver necklace, earrings, and ring with shining flower details. Tinapos ko ang look ko sa isang pulang lipstick.

"May lakad ka po?" tanong ng kasambahay.

"Yeah. Doon na rin ako magdidinner kaya kumain na kayo, Manang. Nagpaalam ako kay Dad pero wala akong sinabi kay Mom..."

"Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Kami na ang bahala."

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan sa labas. I took my purse and went outside the house. Nakita ko ang lumang pick up truck at napangiti nang makita si Santi sa driver's seat. Sinenyasan ko siya na huwag na lang bumaba pa.

"Ang ganda naman," aniya at humalakhak nang sumakay ako.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Santi looked majestic with his black dress shirt and slacks. Nakaayos din ang buhok niya.

"Gwapo mo rin, parang businessman ang datingan."

Pareho kaming natawa. Nanatili ang ngiti ni Santi at tumingin sa akin.

Malakas ang pintig ng puso ko. I'm happy. So happy to be with Santi tonight.

"What?" I shyly asked when he still looked at me.

"Wala... ang ganda mo kasi talaga..."

Napangiti ako. "Bolero."

Humalakhak siya at nagsimulang magmaneho.

Ilang beses na kaming nag-date ni Santi pero kinakabahan ako ngayon. Maraming pumapasok sa isipan ko. Iyong offer ni Dad. Iyong sinabi ni Lisa. But I don't want to ruin the night with that.

Mamaya ko na muna iisipin lahat. Sa ngayon, mag-eenjoy na muna kaming dalawa.

We arrived at a Spanish restaurant. I've been here before and I'm quite worried if Santi can really accommodate his budget. It's an expensive place!

Binigay niya ang susi sa valet. Ngumiti siya nang lumapit sa akin.

"Masyadong mahal 'to," diretso kong sabi.

"Alam ko. Pero huwag ka na munang mag-alala niyan."

I sighed. Hinawakan ni Santi ang kamay ko. Doon lamang ako kumalma.

"Let's just enjoy this night," aniya.

"Okay..."

Pumasok na kami sa loob. This is one of Dad's favorite place. His grandmother was born in Spain. Doon din tumira si Dad mula pagkabata hanggang sa nagbinata. Kaya naman mahilig kami masyado sa Spanish food.

"Good evening, Ma'am and Sir," bati ng receptionist. "Do you have any reservations?"

Bumaling ako kay Santi.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon