12
Huminto kami sa isang uphill view. Malayo ito sa siyudad at paakyat. May isang parke rito ngunit wala masyadong tao.
Nang bumaba sa sasakyan, naramdaman ko kaagad ang malamig na ihip ng hangin. Tiningnan ko si Santi na naglabas ng mga gamit mula sa backseat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya nanatili lamang akong nakatayo at nakatingin.
"Anong gagawin mo?" I asked.
"Basta," aniya na may ngiti.
Umikot ako at sinamahan siya sa likuran. Napasinghap ako at hindi mapigilang matuwa nang makita kung ano ang ginawa niya.
Sa likuran ng pick up ay may nakalatag na foam at bed sheet pati na rin mga unan. Sa gilid, nakalagay iyong mga paper bag na mukhang pagkain ang mga laman. Nakita ko rin iyong telescope na nasa transparent na lagayan.
Parang sasabog ang puso ko sa tindi ng emosyon. Mas nadagdagan tuloy iyong maraming dahilan kung bakit ko nagustuhan si Santi. Alam ko na may iba pang mas higit sa kanya, ngunit ayaw ko na ng iba...
"Ayos lang ba sa iyo kung ganito?" nahihiya niyang tanong. "Alam ko na masyadong simple lang-"
"It's perfect," putol ko.
Ngumiti siya sa akin, dahilan sa panliliit ng mga mata.
Tinulungan niya akong umakyat doon. Hinubad ko na rin ang sandals at naging kumportable sa pag-upo. Binuksan ni Santi iyong paper bag at naglabas siya ng take out food. Sinimulan na namin iyong kainin.
Binuksan niya iyong water bottle at inabot sa akin.
"Maraming salamat," sabi ko.
"Baka mabasa ka."
Tumango ako at maingat na inilagay sa gilid iyong bottle.
Tumingin si Santi sa wristwatch niya. "Sabi raw ay 7:30 magsisimula iyong meteor shower... May isang oras pa tayo."
"Nakakita ka na ba ng meteor shower noon?"
"Oo. Mahilig kami ni Ate sa mga ganito. Ikaw ba?"
"Inaabangan ko naman. But lately, I am not updated about it anymore because I've gotten busy."
Pagkatapos naming kumain, nagligpit na kami. Dahil marami pa namang oras, humiga ako at tiningnan ang mga bituin. Mabuti na lang at maganda ang panahon kaya kitang-kita ko ang mga kumikislap na mga bituin sa kalangitan.
Naramdaman ko rin ang paghiga ni Santi sa tabi ko. May space sa pagitan namin at pakiramdam ko ay sinasadya niya iyon.
"Nagpaalam ka ba sa mga magulang mo?" mahina niyang tanong.
"Nope."
"Baka mapagalitan ka niyan."
I softly chuckled. "Wala naman silang pakialam. Kaya ayos lang..."
"Hindi 'yan ayos lang, Frans. Baka sabihan pa akong bad influence niyan kung sakali."
Lumingon ako kay Santi at nakita ang side profile niya. I was never a fan of monolid eyes. Para sa akin, sobrang plain lang ng mga chinito dahil marami akong nakikita na mga ganoon sa university.
Ngunit ewan ko ba kung bakit gwapong-gwapo ako sa kanya ngayon. Idagdag mo pa ang manipis niyang mga labi. Marami sigurong may gusto kay Santi...
"Hindi ka naman bad influence, e..." I said. "Ako nga yata ang bad influence sa 'yo."
Tumagilid siya at humarap sa akin. Naririnig ko ang malakas na pagtambol ng puso ko.
"Paano mo naman nasabi?"
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...