29

213 7 0
                                    

29

"Ibaba mo pa nang kaunti ang ponytail mo," ani Ate Serena. "Isuot mo rin ito at huwag na huwag mong tatanggalin."

Pinaikot niya ang scarf sa leeg ko. She looked at me intently and tried to fix my hair.

Ngayon kasi ay isasama ako ni Santi sa lakad niya para daw hindi ako mabagot sa bahay. Dalawang araw na rin kasi ako rito kaya ilalabas niya ako.

Now, her sister was helping me become unrecognizable. Kahit naman hindi ako ganoon kakilala sa US, ibang kaso pa rin dito sa Pinas.

I was a child star. My mom is the one and only Carol Constantino. Nakasabit din ang mga billboard na may mukha ko. I bet the malls also showcase my face.

"Ayos na siguro ito, Ate," pigil ko.

Paano ba naman kasi at parang hindi na ako makahinga sa scarf na pinaikot niya sa leeg ko. Hindi rin nakatulong ang makapal na jacket na pinahiram niya sa 'kin.

"Makikilala ka pa rin, e," aniya.

Mabuti na lang at pumasok si Santi sa kwarto. Nagkunot-noo siya nang lumapit sa amin at pinagmasdan ako.

"Papatayin mo ba si Frans?" inosente niyang tanong sa Ate niya. "Baka ma-suffocate 'yan, ah."

"Hindi 'no!"

I looked at Santi and gestured him for help. Mahina siyang tumawa.

"Sige na, Ate. Male-late na kami niyan. 'Tsaka hindi naman kami sa may maraming tao pupunta, eh."

"Sige, sige."

I sighed out of relief and finally stood up. Kahit nasa loob pa kami ng bahay, naiinitan na ako.

Nagpaalam na kami sa kanila. I was really having a hard time. Kaya naman nang makapasok sa sasakyan ni Santi, tinanggal ko ang scarf.

"Tanggalin mo na rin 'yang jacket," ani Santi nang pumasok na sa driver's seat.

I nodded and took it off. Tinapat niya rin sa akin ang aircon. May kinuha rin siyang mask sa dashboard at binigay sa akin.

"'Yan na lang suotin mo," sabi niya.

"Mabuti pa nga," I mumbled and took it from him.

Nagsimula na kaming bumiyahe.

Ang sabi niya raw ay pupunta kami sa condo niya para kumuha ng gamit. I agreed because I also want to see where he lives.

I also realized that besides his family and his gym, I don't know anything about him. I met his friends but I don't know what he really do on the daily basis. Mabuti na rin na bumuntot ako sa kanya para masaksihan si Santi sa trabaho niya.

"Ayos lang ba talaga sa 'yo?" I asked again.

"Oo naman. Wala namang problema."

"Baka maka-istorbo ako."

"Hindi naman ganoon ka-hectic ang schedule ko ngayon. Bibisita lang tayo sa gym pagkatapos nating pumunta sa condo. Tapos magla-lunch. Sa hapon naman may meeting ako."

"I bet that meeting is important. Dito na lang ako sa loob ng sasakyan."

"Hindi naman. I'll just be discussing with Jonathan about the branching."

Tumango ako.

Even if I graduated with a major in business, I didn't really used it. Tanging pagmomodelo ang naging focus ko kaya hindi na rin ako nagpatuloy sa pagma-masteral. Somehow, I became interested in business.

"Mahirap ba?" I asked. "Mahirap bang magtayo ng negosyo?"

"Mahirap. Wala naman talagang madali sa mundo, e." He glanced at me. "Bakit? May balak ka bang magtayo ng negosyo?"

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon