13

198 7 0
                                    

13

Santi:

Text or call me after your enrollment. Susunduin kita diyan.

Me:

No, I brought my car. Huwag na lang. Ako na lang ang susundo sa 'yo.

Santi:

Okay. I'll prepare the foods. Sabihin mo kung may kailangan pa tayong dalhin baka kasi makalimutan pa natin.

Me:

Lol. Ikaw lang naman makakalimutin sa ating dalawa.

Santi:

Sige, kapag punuin mo ako ng tukso ngayon, ibabaon kita ng buhay.

Me:

Joke. Love you.

Santi:

Ang landi.

I roared in laughter. Napatingin sina Sam at Lisa sa akin. Nagtaas lang sila ng kilay habang hinintay akong humupa sa pagtawa. Binulsa ko na ang cellphone na may ngiti pa sa labi.

"Kanina ka pa na tawa nang tawa," ani Lisa. "Who's the guy?"

Umiling ako. "Wala. I just found something funny online."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Mabuti na lang at na-sense ni Sam ang sitwasiyon kaya iniba niya ang usapan.

Tatlong buwan na mula noong naging kami ni Santi ngunit pinili na muna naming itago ito. Alam ni Sam ngunit hindi ko pa nasasabi kay Lisa. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya.

We've been keeping it lowkey. Lalo na at gustong pagpiyestahan ng mga netizens ang buhay ng may buhay. But to be honest, these past months with Santi are the best months I had so far. It was simple but too memorable to forget a single thing.

"Coffee shop tayo after? I need an iced coffee. Ang init, grabe," yaya ni Lisa pagkatapos naming magpa-enroll.

"I can't. May pupuntahan ako," I said.

"Saan ka na naman pupunta? Kararating mo lang mula sa Siargao, 'di ba?"

Tumango ako. "I just have an errand to do, Lisa."

Nagbakasyon kami nina Mom at Dad sa Siargao ng isang linggo. Kailangan ko rin iyon para makapagpahinga sa buhay-siyudad. Ngunit kahit naroon ay panay pa rin ang contact ko kay Santi. Minsan ay ako ang tumatawag sa kanya, minsan din ay siya ang tumatawag sa akin.

Kaya naman nang makabalik, sinabihan ko siya na pumunta kami sa dagat pagkatapos ng enrollment. I still want to experience the beach with him.

Okay, ako na ang malandi.

"Naku, anong errand na naman 'yan? Ilang weeks na lang, magiging fourth year na tayo, ibig sabihin mas magsusunog pa tayo ng kilay at wala nang magiging time for each other!"

"Overreacting, ha," ani Sam. "We still have the rest of the year to be together. 'Tsaka magkasama naman tayong magsusunog ng kilay, e."

"Oo nga!" I agreed. "I promise we'll go to the spa this weekend. Mag-bonding tayo. Kailangan ko lang talagang umexit ngayon."

"Do you have a secret boyfriend?"

Nagtinginan kami ni Sam sa tanong ni Lisa. Hilaw ang tawa na pinakawalan ko.

"Come on, Lisa. You know we all flirt with anyone. And besides, I just have some... business to take care of."

Siniko ni Sam si Lisa. "Hayaan mo na."

At the end, nakatakas nga ako mula sa kanila. Tapos na ang enrollment nina Santi kaya nasa bahay lang siya ngayon at doon ako pupunta. Huminto ako sa tapat ng gate nila. Wala naman ang pamilya niya kasi may nilakad raw sa mall kaya hindi na ako nag-effort na umalis ng sasakyan.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon