07
"Bakit ka galit?"
Santi looked straightly at me with confusion. Pati ako ay nalilito na rin. Anong ginagawa niya rito? I was about think that he's into modelling when I noticed his bag and ID lace. Nakasuot siya ng puting polo shirt at jeans kaya kita nang kaunti ang biceps niya. From afar, nakita ko rin ang university niya.
"Hindi ako galit," I said but that just made my tears brimmed.
Kunot-noo siyang naglakad papunta sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Nagulat siya nang mapansin ang mga luha kong nagbabadya. "Hala, anong nangyari?"
"Wala," sabay iwas ko ng tingin.
"Anong wala? Umiiyak ka, eh."
"Hindi ako umiiyak," ngunit nag-unahan na lang bigla ang mga luha ko. Nag-facepalm ako para takpan ang mukha.
May mga lumabas na mga babae kaya tumalikod ako at nagtago sa likuran ni Santi. Matangkad kasi siya kaya hindi ako makikita. I peeked from his broad shoulders and saw that the girls were gone.
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Santi na nakatingin sa akin na nag-aalala. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at ibinigay sa akin. Tiningnan ko na muna ito bago kinuha at pinunasan ang mga luha sa mukha.
"Kumain ka na ba?" tanong niya, seryoso pa rin ang mukha.
Umiling ako.
"Tara, kumain na muna tayo."
Wala akong sinabi at sumunod sa kanya. Napansin ko na maraming mga estudyante sa pupuntahan namin. Yuko lamang ako nang yuko para hindi nila ako makilala.
May mga iilang bumati kay Santi na binati niya naman pabalik. Paminsan-minsa'y lumilingon siya sa akin para siguraduhing okay lang ako.
Nakarating kami sa isang kainan. Nasa pinakadulo ito at walang tao masyado. Umupo kami ni Santi sa may gilid, 'yung hindi kami mapapansin ng mga nasa labas. It's my first time to enter a place like this so I scanned the area.
May mga casserole na nakadisplay sa mesa at nandun ang mga ulam. Even if it's small. Malinis din naman.
"Kumakain ka ba sa mga ganito?" nag-aalalang tanong niya.
"Yeah," I lied. "Kumakain naman."
"Pasensya ka na. Malapit lang kasi ito sa UP. 'Tsaka mura lang din."
"Ayos lang. It's really fine. Like I said nung huli tayong nagkita, hindi ako maarte. I'm fine with anything."
Tumango siya. Nag-order siya ng kanin at ulam para sa aming dalawa. Nagsama na rin siya ng softdrinks. Ayaw ko sanang ilibre niya ako ngunit nagpumilit siyang bumayad.
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" aniya nang kumain na kami.
"I have errands at the building where you saw me. Hindi ko alam na malapit lang pala iyon sa university mo."
"Destiny nga," nakangiti niyang sabi.
Natawa ako. "Ewan ko sa 'yo."
I was quite new with the place but I am comfortable. Medyo malayo na kami mula sa kung saan kami nagkita. Konti lang din ang tao rito kaya hindi na ako nag-alala kung may nakakakilala ba sa akin.
And the price was surprising! Mura lang ito at by servings ang bigay kaya naninibago ako na mura lang kahit marami namang pinamili si Santi na ulam.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako umiyak kanina?" I asked.
"Ayaw kitang pilitin. Baka sensitive para sa 'yo."
"Pero I'll remind you, hindi ako crybaby, okay?"
BINABASA MO ANG
Under the Brightest Stars
RomanceWattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hindi naging madali para sa kanya na abutin ang mga sariling pangarap. Mabuti na lang at nakilala niy...