05

265 6 0
                                    

05

Throughout the time being, nakatitig lamang ako kay Santi habang nagte-training sila. I even took time to check myself if my mouth hung open. He looked so serious. Paminsan-minsa'y tumitingin sa akin para senyasan ako kung nababagot na ba ngunit tanging iling lang ang nagawa ko.

Pawisan siya nang natapos sila. Pinunasan muna ni Santi ang mukha gamit ang tuwalya at lumapit sa akin. I readied myself, but he did not smell sweat. At all.

Amoy baby pa nga siya. Maybe it's the detergent of his clothes, or his natural scent. Pero ngayon ko lang natanto na amoy baby nga siya.

"Magbibihis na muna ako," aniya.

Pagkatapos ay nagpunta kaming dalawa sa isang canteen sa loob ng commercial building. I don't know the place but it's filled with stations serving food. Like a food court or something, but it's simpler than what we saw in malls.

"Sure ka ba na hindi ka nababagot?" tanong niya pa.

"Yeah. Nag-enjoy ako. Kahit hindi naman ako kasali, parang pinag-aralan ko na rin nang konti 'yung mga tinuro sa inyo."

"Anong gusto mong kainin? Libre na kita," aniya.

"I still have the cupcakes," sabi ko. "I ordered it for you... I mean personalized for you."

Mahina siyang natawa. "Nag-abala ka pa talaga."

"I should. Kasi nga 'diba niligtas mo ako," sabay lapag ko sa box.

Medyo nahiya ako nang tinitigan niya ang disenyo ng hamsters sa cupcakes. Kumuha siya ng isa kaya namula ang mga pisngi ko.

"I know, masyadong corny. Masyado ring girly at-"

"Cute," putol niya. "It's cute."

"K-Kasi... I just thought of a hamster when I... uh... when I think of you," sabay iwas ko ng tingin.

Natawa siya kaya mas lalong sumingkit ang mga mata. "Salamat. Hindi ko alam na mukha pala akong hamster-"

"In a good way," I corrected.

"-In a good way."

Bumili si Santi ng dalawang set ng burger at fries. Pinilit ko na ako ang magbabayad kaso ibinalik niya ang pera sa akin. Hindi na rin ako nagpapilit. From the menu, mukhang mura lang din naman.

"Kapag kasi ganoon, pwede mong tapakan 'yung paa niya para lumuwag ang hawak sa 'yo, o 'di kaya ang tuhod kapag masyadong malakas," pangaral niya sa akin tungkol sa self defense.

"Nag-panic lang ako kaya hindi ako makapag-isip nang maayos."

"Kaya dapat hindi pwedeng mag-panic. The enemy can smell fear."

Tumango ako. The crumbs from my burger fell on my side of the table. Kumuha si Santi ng tissue at pinahiran iyon para sa akin.

"Hayaan mo na, I will prevent things like that," I replied.

"Huwag mong hayaang mag-isa lang lalo na 'pag nasa bar. Delikado 'yun, maraming lasing."

Tumango-tango ako. I was about to bite my fries when I stopped midway. Bigla na lang kasing natawa si Santi. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" I asked. Bigla tuloy akong na-conscious at kumuha ng tissue.

"Wala, wala. May naisip lang ako," aniya.

"Like?"

He chuckled. "Paniguradong maiinggit si Mama nito. Kasama ko ang anak ni Carol Constantino."

Natawa na rin ako at napailing. "So it's really true that your mother is a fan?"

"Nagdududa ka pa rin ba hanggang ngayon?" He gasped. "Totoo 'yun. Hinampas nga ako sa balikat nung ipinakita ko ang picture."

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon