30

210 7 0
                                    

30

"I'm sorry natagalan ako," Santi said when he went inside his office.

Ngumiti lamang ako sa kanya. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo ako.

When Mom replied to me, I could not focus anymore. Masyado akong occupied tungkol sa magiging pagkikita namin. The last time we saw each other, we got into a heated conversation.

Ayaw ko man itong harapin, alam ko naman na wala akong choice. After all, she's my mother.

"Bye, ma'am!" ani Jane nang sabay kaming umalis sa gym.

Kumaway lamang ako sa kanya. Kagaya kanina, hinawakan ni Santi ang kamay ko at tinago mula sa likuran niya. It's already lunch time so there are a lot of people inside the building.

"Water?" he asked when we went inside his car.

Binigyan ako ni Santi ng water bottle ngunit umiling ako.

"I'm fine."

Sinukat niya ako ng tingin. "Okay ka lang?"

"No..."

Santi placed his hands on the steering wheel calmly. Marahan ang tingin niya sa akin at pinatay ang makina ng sasakyan. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti.

"Santi... is it okay if we have lunch with my Mom?" kabado kong tanong.

He licked his lower lip and looked down. Nang nag-angat siya ng tingin ay binigyan niya ulit ako ng ngiti. Hinawakan niya ang aking kanang kamay. He squeezed it lightly.

"Ayos lang naman, Frans," aniya.

His thumb brushed my hand softly.

"Totoo ba talaga na ayos lang? Kasi if you're not uncomfortable..." I trailed off.

Kahit ilang taon na iyong nagdaan mula noong huli silang nagkausap, baka kasi may kaunting hinanakit pa rin siya kay Mom. I mean, I will understand.

"Ayos lang ba sa Mom mo?" pilit niyang tinago ang lungkot sa boses.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko kasi sinabi na kasama ka."

He only pursed his lips and looked down. Patuloy niyang nilalaro ang mga daliri ko.

"Is it okay?" I whispered.

Tumingin siya sa akin at tumango. "Oo naman, Frans. Walang problema sa akin."

Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik ngunit may ibang sinasabi ang mga mata niya... lungkot, galit, takot, pag-aalala. If only I can take it all away...

Maingat kong hinawakan ang panga niya at marahang inilapat ang labi ko sa labi niya. Nawala ang lahat ng kaba ko nang pinatong ni Santi ang kanyang kamay sa kamay ko at mariin akong hinalikan pabalik.

The tears started to form and the moment I closed my eyes, it fell. I'm happy, but I'm also scared. But I know I have Santi with me as I face my battles.

I won't let him go. Not anymore.

Santi softly kissed me but then it turned into longing. We were kissing passionately that I almost lost my mind. The moment we let go, I was panting.

I missed him so much. I missed being close to him.

Tinapat ni Santi ang noo niya sa aking noo. Nanatili pa rin akong nakapikit habang hinayaan siyang hawakan nang maingat ang mukha ko.

"Mahal kita, Frans," bulong niya. "Kaya sasama ako."

I nodded. "I love you, too."

I opened my teary eyes and it met his. He gave me a smile and kissed my forehead.

Under the Brightest StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon