"I swear, he is just a friend." Kausap ko ngayon si Tasha. Kanina pa niya ako kinukulit about do'n sa IG story that happened to be Vito.
Hindi pa siya nakontentong i-wallpaper ang pagmumukha niya sa phone ko at talagang ini-story niya pa. Nakita tuloy 'yon ng mga friends ko at pati sina Mom and Dad. Gosh, Vito.
"Pero ang gwapo niya ha," Tasha said from the other line. Hindi ko naman kinontra 'yon dahil totoo naman. Hindi naman ako bulag para hindi makita 'yon.
"Anong IG? Ireto mo na lang sa 'kin kung friend mo lang talaga."
Tasha is really kind of flirty when it comes to guy, lalo na kung pogi. Pero 'yong pagka-flirty niya ay nasa lugar. Kahit gaano ka pa ka-gwapo, kung may girlfriend ka naman, hinding-hindi ka niya papatulan.
Kung gan'yan sana lahat 'di ba?
"Hindi ko alam ang IG niya. Hindi nga kami friends no'n sa Facebook," reklamo ko kasi totoo naman.
"Pero hindi mo type?"
"Anong type sinasabi mo? Hindi pa nga ako nakaka-move on." At saka wala rin akong balak muna magka-love life or what. Focus muna ako sa sarili ko, tapos kay Mom and Dad, then sa company.
"So, 'pag naka-move on ka na, pwede na?" Gosh. This girl is stressing me out.
"Hindi rin, kaya don't ask me things about that."
After we talked, tumingin lang ako sa ceiling ng kwarto. Kasalukuyan akong nakahiga at handa na ng matulog. Pinapakiramdaman ko na lang ang sarili, naghihintay na dapuan ng antok.
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong bumuntong-hininga. Ang dami kong na-iisip. Sa mga ganitong oras talaga, kung kailang matutulog na tayo, saka tayo mumultuhin ng mga alaala. Mga alaalang mas nakakatakot pa sa multo kung tutuusin.
Will I be okay?
Makakalimot ba ako? Mawawala ba 'yong sakit? Will I become happy...again?
Too many questions yet there's no single answer. I am still in the middle of my pain. Napaliligiran pa rin ako ng mga alaala namin, both the happiest, the rare, and and specially the painful ones.
Naisip ko tuloy, how other people like Adrian, forgets so easily? Should I ask him? Should I ask him what did he do to forget me? Kasi baka effective rin sa 'kin. Baka magamit ko rin.
I found myself crying again. In the middle of the night, there was a girl crying her heart out, because of pain, because of love.
I want to cry it all out. Pakiramdam ko mauubos na ako, or baka ubos na ako. Ayaw ko nang lokohin ang sarili ko sa pagsasabing okay lang ako. Niloko na nga ako tapos lolokohin ko pa sarili ko.
Memories flashbacks again in my mind.
It's our second anniversary. Na'ndito kami sa isang rooftop resto sa Tagaytay. Kitang-kita namin ang city lights sa baba, ang magandang kalangitang punong-puno ng stars, dama namin ang lamig ng paligid at ang pagmamahal kasi kasama ko si Adrian.
"Look at the stars." I looked at Adrian and he is staring at the stars. Hindi niya alam na mas maganda pang tingnan ang mukha niya.
"Sabi ko sa stars ka tumingin, why are you staring at me?" natatawa niyang sabi. His laugh is like a music to my ears. It makes me calm.
"Because you shine brightly like a star." Adrian chuckled. I know it is corny but that's the truth! I just looked above and the clear sky welcomed me. Ang ganda.
"I love you," he said suddenly.
"I love you." He held my chin for a quick kiss. He kissed me under the light of the thousand stars. Oh, God, let me marry this man please.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...