Chapter 16

311 32 14
                                    

"Nakauwi na kami."

Kasalukuyan akong nag-iimpake dahil aalis kami ngayong araw nina Sean, Dianne at syempre magpapa-iwan ba si Vito?

"Kumusta kayo, Mom? Okay naman ang naging meeting?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Kakauwi lang nila from LA at tinawagan nila ako agad pagka-uwi nila.

"It went well of course. Enjoy yourself diyan ha? And please don't forget to go home here." I just chuckled. As if naman makakalimutan kong umuwi 'di ba? They're my home and will always be my home.

"Uuwi ako, Mom. Malapit na."

"Nabalitaan mo na ba?" Napatigil ako saglit sa pag-iimpake dahil her question sort of caught me off guard.

"Yes, Mom," I answered simply.

"I heard they already canceled their wedding." I pursed my lips. I was kind of shook actually. Hindi ko alam na ica-cancel nila 'yon. Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko.

After some chit-chats, the call ended. Sakto naman at tapos na akong mag-impake. Kaunti lang naman ang dinala ko. Isang bagpack lang.

"Ready ka na?" tanong ni Dianne sa akin pagpasok niya ng kwarto ko. Dala na niya ang mga gamit niya at mukhang handang-handa na lalo na at kasama namin si Sean.

Pagbaba namin ay nasa baba na 'yong dalawang lalaki. Hindi ko alam kung anong trip nila pero naka Hawaiian shirt silang dalawa. Green kay Vito at red naman kay Sean. Napangiwi tuloy ako habang nakatingin sa kanila.

Naka-tshirt lang ako na white then denim shorts. Underneath was my two piece bikini since sa falls daw kami unang pupunta. Si Dianne naman ay naka-white tube then white denim shorts. We both had our hair in messy bun and our shades as headband.

Pinilit namin si Nanay Loida na sumama. Kaso ayaw niya. Sakto at aalis din daw si Nanay papunta sa kapatid niya dahil magbi-birthday.

"Alis na kami, 'Nay," Isa-isa kaming nagmano kay Nanay Loida. Mamaya raw siya susunduin ng kanyang pamangkin kaya mauuna kaming umalis.

"Ready na ba 'yong mga tents?" tanong ko habang ipinapasok nina Sean at Vito ang mga gamit namin sa likod ng kotse. Mostly mga pagkain at tubig lang naman tapos 'yong mga gamit namin.

"Oo, nand'yan na sa loob," sagot ni Vito sa akin. Umiwas na lang ako agad ng tingin. Gosh. Kailan pa ako na-intimidate sa kanya?

Nag-file raw ng three days leave si Dianne para makasama. Mabuti nga raw at pinayagan siya.

Nang makasakay kaming apat sa sasakyan ni Vito ay pinaandar na ni Sean ang sasakyan. Dahil medyo malayo ay nagpasya kaming apat na magsasalit-salitan sa pag-drive.

"Kailan mo balak umuwi, Chelsea?" sira ni Sean sa katahimikan. Napatingin tuloy si Vito sa akin sa may rear mirror.

"Next month pa," I answered. Balak ko nang umuwi next month dahil nami-miss ko na ring magtrabaho. At saka kaya ko naman nang harapin sina Adrian. Kakayanin ko kapag nagkataon.

"Aw, iiwan mo na kami?" nakasimangot na tanong ni Dianne. Hinampas ko lang siya sa kanyang balikat dahilan para umarteng nasaktan ang gaga. Actually, there's a part of me na ayaw pa ring umalis. Marahil ay napalapit na nga ang loob ko kay Nanay Loida at kay Dianne.

Pero wala naman akong choice kung 'di ang umuwi dahil nandoon naman ang mga magulang ko. I can pay a visit here if I want to. Madali lang naman bumyahe lalo na kung sila ang pupuntahan ko.

"Iiwan mo na si Vito?" My brows automatically pulled together when I heard what Sean said. Sean and Dianne just laughed in unison leaving us Vito in total awkwadness.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon