"Vito, gagi sunduin mo ako, flat sasakyan ko." Napasapo ako sa noo ko nang tawagan ako ni Sean nang dis-oras ng gabi para lang magpasundo.
"Mag-book ka na lang ng Grab, pre," inaantok kong saad dahil inistorbo niya ang tulog ko. Nasaan ba ang Engineer na 'to ng ala-una nang umaga?
"Wala akong makuha, dali na. Sabihan ko si Engineer Leon na bigyan ka discount para sa shop mo." Bumuntonghininga ako at wala sa wisyong nagsuot ng damit.
Hindi naman ako tatantanan nito. Hindi ko mga alam paano naging Engineer 'tong si Sean. Para kasi siyang may kulang na turnilyo sa utak.
Naging magkakilala kami no'ng college. Nagbabakasyon ata sila no'n sa Cebu. Basta nakabanggaan ko lang siya sa isang Mall tapos mukhang naliligaw siya kaya nagpasama sa 'kin.
Kung alam ko lang na ganito palang klase ng tao si Sean hinayaan ko na lang sana siya maligaw no'n.
"Papunta na," saad ko at ibinaba na ang tawag. Nasa may isang bar pala ang loko. Tapos hindi man lang ako niyaya tapos ang lakas ng loob magpasundo.
Nag-drive na lang ako papunta sa bar na sinasabi niya. Salamat sa Waze at hindi ako naligaw. Hindi ko rin naman kasi masyadong gamay ang Manila, lalo na at sa Cebu ako ngayon nagse-stay.
Pumunta lang ako rito para sa pinaplano kong coffee shop.
Nasa may entrance pa lang ako ng bar ay may isang babae ang natumba sa may harap ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko siya nasalo, medyo malayo pa kasi siya sa 'kin.
"Ugh! Puta. Masakit 'yon, ah," reklamo no'ng babae habang pilit na tumatayo. Hindi na muna ako pumasok sa loob dahil tiningnan ko muna kung kaya bang maglakad nitong babae na 'to.
"Uy, hi? Pasok ka na. Dito lang ako. Sanay naman ako mag-isa. Sige na, do'n ka na," saad niya na parang nagpapaawa. Kaya sinunod ko siya at pumasok na sa loob pero bigla niyang hinigit ang braso ko.
"Pwede mo ba akong ihatid?" Kunot-noo ko siyang tiningnan nang makitang halos lasing na lasing ang itsura niya.
"Hindi," malamig kong sabi at ibinaba ang kamay niya na nakahawak sa akin. Nakita ko naman siyang ngumuso at umirap sa akin.
"Eh 'di don't!" sigaw niya at mabilis na naglakad palabas. Umiling-iling akong naglakad papasok.
Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang magulong bar. Lahat naman ng bar magulo pero iba ang gulo rito ngayon. Siguro dahil ala-una na rin nang madaling araw. Lahat sila mga lasing na.
Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap na lang ng mata ko si Sean. Pero wala akong nakita...
"Hi, pogi. Need mo ng table?" Isang babae ang lumapit sa akin...o mas dapat ko atang sabihin na lumingkis sa braso ko.
"Uh, no," saad ko at mabilis na lumabas ng bar. Hindi ko pala nadala ang phone ko at naiwan ko sa sasakyan.
Nang makuha ko ang phone ay bumungad sa akin ang mga messages ni Sean.
From: Engr. Sean
Tagal mo.From: Engr. Sean
Nakakuha na ako ng GrabFrom: Engr. Sean
Papunta na pala haFrom: Engr. Sean
Wala kang discount kay Leon!Napabuntong hininga ako matapos kong mabasa ang message niya. Mukha ba akong nakikipagbiruan sa kanya?
Magda-drive na sana ako pauwi nang mahagip ng mata ko 'yong babae kanina. Nakaupo sa may tabi ng kalsada, mukhang naghihintay ng masasakyan.
Pinagmasdan ko pa siya nang ilang minuto pero mukhang nakatulog na ata siya roon dahil nakapatong na ang ulo niya sa tuhod niya.

BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...