Chapter 37

239 24 4
                                    

"Wake up, lunch is ready."

Kanina pa ako gising but I chose not to open my eyes. Ni hindi ko alam kung anong oras na. Hindi na rin ako nakapag-umagahan kahit narinig kong tinawag ako ni Adrian kanina.

Mukhang tanghali na dahil tinawag niya ulit ako at tulad kanina ay wala akong balak na magmulat at bumangon.

Ramdam ko ang paglubog ng kama sa tabi ko, ibig sabihin ay umupo siya roon. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya naiyukom ko ang kamao para pigilan ang sarili kong magalit.

"I know you're awake, kumain ka riyan. Aalis muna ako. Uuwi ako mamayang gabi." I felt a kiss on my head. Halos kilabutan naman ako sa ginawa niya. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng demonyo.

Naramdaman kong tumayo na siya kaya iminulat ko na ang mga mata ko at nang nasa may pintuan na siya ay mabilis akong tumayo para hawakan siya sa braso niya.

"Sasama ako," walang emosyon kong saad pero inalis niya lang ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at dumeretso ng paglalakad sa may pinto pero mabilis kong iniharang ang sarili ko roon.

Kailangan kong makalabas dito. Kailangan kong malaman kung nasaan ako.

"Ano ba? Tumabi ka nga diyan!" Kung kanina ay malumanay ang boses niya, ngayon ay bumalik na naman ang Adrian na may madilim na tingin at aura.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko isinasama!" matiim kong saad. Napabuntonghininga lang siya at napahawak sa tungki ng ilong niya.

"Aalis ka diyan o tatamaan ka sa 'kin?" matapang niyang tugon pero hindi ako nagpatinag. Wala na akong pakealam kung saktan niya ako ulit.

"Hindi ka aalis kung hindi ako kasama, Adrian," I said looking directly on his raging eyes. Magsasalita pa sana ako nang biglang nag-ring ang phone niya.

Medyo nagulat pa nga ako dahil sa tunog no'n dahil hindi ko inaasahan na may cellphone pala siya kahit na naghalughog na ako kagabi.

"Yes?...Oo, papunta na ako,"

"Help! Help! Adrian abducted..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. Sinubukan kong sumigaw pero mas lalo niyang idinidiin ng kamay niya sa bibig ko. Fvck.

"Huh? Wala 'yon. Nanggugulo lang...Yes, aalis na rin ako...Sige, bye." He then ended the call and faced me with such anger. Inalis na niya ang kamay niya sa bibig ko kaya naman mabilis kong sinubukan na kunin ang phone niya na nasa isang kamay niya.

But he was too fast to raised them above. I even tried to jump but he was too darn fast.

"Nice try, love. Better luck next time," he said before giving me a disgusting wink. Nakakadiri.

He was about to leave but I quickly ran towards the door but he was too fast to push me against the floor. Napasubsob pa ako at muntik nang tumama ang mukha sa sahig, mabuti na lang at naituon ko ang palad ko.

"Fvck you, Adrian!" singhal ko at matiim na tumingin sa kanya but he just smirk and lower down his body to me.

"I will fvck you later, Chelsea Marie. Wait for me."

"You're a trash!" His grin automatically faded with what I said. His serious face was back and now it's much more darker than earlier.

"If I am a trash then you are a whore," he seriously said before venting out of the room. It was easy for him to unlock the door. Bakit? Paano?

Mabilis akong tumayo at sinubukan 'yong buksan pero it's still fvcking lock. Ano ba 'tong pinto na 'to?

Naiuntog ko na lang ang ulo ko sa may pintuan. I felt so helpless!

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon