Chapter 19

285 30 13
                                    

"Ano ba? Bagalan mo naman lakad mo!" singhal ko kay Vito dahil papunta na kami ngayon sa may hotspring.

Hindi ko naubos 'yong pagkain ko kaya heto at magkawak-kamay kaming naglalakad dalawa. Tapos ang bilis-bilis pa niya maglakad na halos makaladkad na ako. Hindi naman kami nagmamadali.

"Bilisan mo kasi, naiiwan na nila tayo oh." Tumingin ako sa unahan namin at nakita ko ngang medyo malayo na sina Sean at Dianne which is a good thing. Grabe pa naman ang mga titig at ngiti nila kanina. Hindi ko alam kung dahil ba magkahawak kami ng kamay ni Vito o dahil nakatipid sila ng 10k at 5k.

Akala ko pa talaga ay kaya kong ubusin 'yong pagkain ko. Pero mukhang naparami talaga kaya hindi ko naubos. Mamayang dinner kaunti na lang ang kukunin ko.

"Anong plano mo after this get-away?" tanong ko kay Vito dahil masyadong tahimik. Dadaldalin ko na lang siya. Sina Dianne at Sean naman ay nasa unahan namin. Nasa una nila ang tour guide namin at ang grupo no'ng tatlong babae. Hindi namin kasama 'yong grupo nina Waze dahil maliit lang daw 'yong hotspring and overcrowded na kung kasama pa sila.

Which is a good thing. I don't think I can stand another day with his stares. Nakaka-stress sa totoo lang.

"Aasikasuhin ko 'yong bakery. Malapit na 'yong matapos at maaari na akong magbukas. Namimiss ko na ring mag-bake ulit."

"Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako," saad ko at ngumiti. He just smiled back at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Maya-maya ay nakarating na kami sa hotspring. Tama nga 'yong tour guide namin. Maliit lang siya pero maganda. Nasa gitna ang elevated hotsprings na made of rocks then sa gilid no'n ay ilog which is shockingly clean. As in, malinaw at walang basura man lang. Manila rivers can't relate.

Sa kabilang gilid naman ay isang maliit na cottage made of pure cement then naka-tiles pa. Sa tabi no'n ay ang dalawang comfort rooms for girls and boys.

Hindi na ako nag-bikini. Bukod sa isa lang ang dala ko ay hindi ko rin bet. Naka-shorts lang ako tapos blue oversized shirts habang si Dianne ay naka-brallete under her kniited cream see-through top then shorts. Habang 'yong dalawang lalaki ay naka-board shorts then sleeveless shirts.

Nang mailublob ko ang katawan ko sa hotspring ay ramdam ko ang init na dumaloy sa sistema ko. It was refreshing, for real! Plus the sounds of birds and crickets around then the green scenery. Napakasarap sa pakiramdam.

"Is it good?" Tumingin ako kay Vito then turned it back in front of me then I leaned my head on the stone at my back then elevates my both feet.

"Ang alin?" paglilinaw ko. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya. Kung 'yong tubig ba, 'yong lugar o 'yong kamay niyang hawak ko.

"'Yong lugar," tipid niyang sagot.

"Yes, nakakatanggal stress. Deserve 'to nina Dianne and Sean lalo na at parehas silang pagod sa work nila." Mabuti nga at nakapag-leave si Dianne eh. Masyado siyang masipag sa totoo lang. She can earn more if she's in Manila. Mas maraming opportunities sa kanya roon tapos matataas sahod. I can even appoint her sa company namin.

"Deserve rin natin 'to. Pagod din tayo." Napatigil ako sa sinabi niya at napatingin na lang sa langit na katapat ng mata ko.

Siguro nga ay pagod kami parehas. Maybe emotionally and mentally.

"Sana kasama natin si Nanay Loida 'no," saad ko. It would be more fun kung kasama namin siya. Na-realize ko tuloy na never pa kaming lumabas nang kasama si Nanay Loida.

"Maybe next time."

"Let's bring her to somewhere good, bago ako umalis." I said then I turned my gaze to him. I don't know but I saw a glint of pain into his eyes. Baka namamalikmata lang ako. Baka nag-reflect lang ang sunrays. Yes! Tama, gano'n nga.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon