"Pagod!"
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Dianne sa bahay ay mabilis siyang humilata sa sofa. Ako naman ay dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. Wala pa rin pala si Nanay Loida.
Kakauwi lang namin matapos ang dalawang gabi at tatlong araw naming pag-stay sa Hiking Ground. After naming pumunta sa Butterfly's Park ay namili lang kami ng mga souvenirs. Bumili lang ako ng para kay Mom and Dad tapos sa mga close friends ko. Then after no'n bumalik na kami ng resort for lunch then nagpahinga then no'ng gabi na ay wala namang masyadong ganap na.
Mga alas sais kami nag-start mag-drive pauwi. Kaming dalawa ni Dianne ang nagsalitan sa pag-drive kaya siguro napagod din kami.
"Kailan daw uuwi si Nanay?" tanong ko pagkabalik ko sa salas. Binuksan ko na lang ang TV para makapanuod. Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. 'Yong dalawang lalaki? Si Vito ay dumeretso sa kanila tapos si Sean ay sa Sahaya. Kailangan daw siya roon eh, urgent.
"Hindi ko alam, baka mamaya siguro. Alam niya na ngayon ang balik natin eh." I just nod. Miss ko na si Nanay agad. Alas otso pa lang naman ng umaga. Nakapag-almusal na rin kami kanina kasi nag-drive thru kami sa Jollibee.
"Akyat na lang muna ako," saad ko sabay patay ng TV. Nag-thumbs up lang siya sa akin kaya tumayo na ako bitbit ang mga gamit ko. Nalabhan naman na 'to kahapon kasi nga pina-laundry namin tapos may dryer naman sila.
Matutulog na lang muna ako. Ang aga rin kasi naming nagising, akala ko nga ay hapon pa kami uuwi, hindi pala.
Nang magising ako ay ala-una na nang hapon. Dahil pakiramdam ko ay nagugutom na ako ay bumaba ako para magluto.
Pagbaba ko ay tulog si Dianne sa sofa pero may nagluluto sa kusina. "Nanay, ako na...Vito?"
"Tagal niyo magising, buti hindi ako agad nagluto kanina." Dumeretso na lang ako sa tabi niya pagkakuha ng tubig. Ininom ko 'yon habang tinitingnan ang ginagawa niya.
"Hindi mo ata kasama cook book mo?" tanong ko. Taray naman nito, mukhang nag-iimprove na ah.
"Hindi ba raw rito maglu-lunch si Sean?"
"Hindi, nagkaproblema raw sa ginagawa nila sa Sahaya." Kaya siguro nagmamadali talaga siya kanina.
Bumalik na lang ako sa salas at umupo sa may single sofa. Ayaw ko namang buksan ang TV dahil magigising si Dianne.
Nag-scroll na lang ako sa social media accounts ko at nag-reply sa mga friends ko sa Manila.
itsmetasya: Girl! Nabalitaan mo na ba? Canceled na raw kasal nina Adrian!!
I sighed then proceeds to typing my reply.
chelseaaa: yes, sinabi na sa akin ni Mom :))
itsmetasya: omg, I have some tea. Tawagan kita!!
After that, tinawagan niya nga ako sa number ko. Pwede namang i-type na lang. Lokang 'to!
"Ano namang tsaa mo r'yan?" bungad kong tanong sa kanya.
"Gaga ka, nasa Cebu ka pala!" Napakunot-noo tuloy ako nang wala sa oras. Paano niya nalaman? Tumayo ako at pumunta sa may terrace, sakto at mahangin naman.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Imposible namang sabihin 'yon nina Mom sa kanila. They would never do that.
"Sinabi sa amin ni Adrian, nagkita kami noong isang araw sa bar!" Nasapo ko ang noo ko. Nasa Manila na pala sila. Kaya naman pala, hindi na nakakagulat.
"At alam mo ba, tinanong niya kami kung saan ka raw sa Cebu nagse-stay. Eh syempre kami nagulat. Hindi nga namin alam na nasa Cebu ka. Akala ko nga ay nasa Manila ka lang eh," mahabang litanya niya. Pinapakinggan ko lang siya at prinoproseso ang mga sinasabi niya. Bakit naman niya ako hahanapin?
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romansa[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...