Chapter 12

301 37 34
                                    

"May girlfriend pala si Vito,"

Gabi na. Hindi na ako nag-abalang puntahan pa si Vito kahit sabi ko ay pupunta ako para sa dinner niya. May kasama naman na siya eh.

"Huh?" Dianne abruptly turned her gaze to me with my remark. Nakasalubong pa ang dalawang kilay na parang may sinabi akong mali.

"Oo nga, muntik pa nga akong awayin kanina," pagke-kwento ko. Kahit naman siguro ako magagalit kapag may nakasalubong akong babae papalabas ng bahay ng boyfriend ko.

"Baliw, baka kaibigan lang," depensa niya.

"Girlfriend sabi sa 'kin."

"Selos ka?" Dahil sa sinabi ni Dianne ay naibato ko sa kanya ang hawak kong maliit na unan. Nandito kami sa salas at nanunuod ng TV at tapos na rin kaming maghapunan. Antok na lang ang hinihintay at pwede nang umakyat.

"Bakit ako magseselos? Natanong ko lang naman dahil wala naman siyang nababanggit at sabi mo noon ay wala naman siyang girlfriend," depensa ko kaya nagmukha tuloy akong defensive.

"May sinabi ako?" tanong niya kaya tumango ako.

Nang makaramdam ng antok ay umakyat na ako. Mahigit isang buwan na rin pala ako rito. Naisip kong umuwi na para gagawin ko na lang abala ang sarili ko sa kompanya. Kaso nangako ako sa mga bata lalo na kay Carol na babalik ako. Ayaw ko namang paasahin 'yong bata.

While checking my phone for some messages, Vito message me in IG.

juanvitoxx: hindi ka bumalik.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nabasa. Bakit ini-expect niya pa akong bumalik kung kasama naman na niya girlfriend niya.

chelseaaa: why would I?

juanvitoxx: because u said so

chelseaaa: then?

juanvitoxx: hindi pa ako kumakain.

I scoffed. Ako pa lokohin niya. For sure kumain na 'to, nang-eechos lang.

chelseaaa: then?

juanvitoxx: nvm.

Hindi na ako nag-respond. Tulad nga ng sabi ni Lana kanina, ang kapitbahay ay dapat kapitbahay lang.

Dapat siguro sinabi ko rin 'yon kay Halsey noon. Ang katrabaho ay dapat katrabaho lang, sayang. Naagaw tuloy.

I just took a sleepy selfie and post it in my story so my friends would know I am still alive and kicking.

I just scrolled down my feed and replying to everyone's message. Kinakamusta lang naman nila ako. Hindi naman na sila nagtatanong kung nasaan ako, which is a good thing. They probably want to give me the space I want. I missed having night outs with my friends. 'Yong tipong iinom hanggang madaling araw.

But when I saw Dianne's message, I quickly opened it.

dayaan: psst.

Anong trip nito? Malamang nasa kwarto niya na rin siya dahil sabay naman kaming umakyat kanina. It's almost eleven na rin naman.

chelseaaa: bakit?

dayaan: pahingi ako IG no'ng engineer ni Vito!!

A smile draw in my face. Is she referring to Sean?

chelseaaa: and why?

Pagsusungit ko kunwari, para makabawi man lang ako sa pang-aasar niya kapag kami ni Vito.

dayaan: damot. :(

Natawa tuloy ako sa reply niya. Mukhang type niya nga talaga si Sean kaya binigay ko na lang. Single naman sila parehas.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon