Chapter 42

282 25 2
                                    

"Sean," mahina kong tawag nang pumasok ako sa hospital room niya. Nang mabalitaan kong nagising na siya ay mabilis akong pumunta rito nang mag-isa. Busy kasi si Vito sa Vintage.

"Aray!" saad niya nang bigla ko siyang yakapin kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Shit, sorry, sorry. Nabigla lang." Nakita ko kung paanong ngumiwi si Sean sa sakit kaya na-guilty ako bigla. Si Dianne naman ay hinila ang buhok ko nang mahina kaya masama akong tumingin sa kanya.

"Aray," reklamo ko pero 'di niya ako pinansin at humarap kay Sean at hinaplos-haplos sa buhok.

"Saan masakit?" nag-aalalang tanong ni Dianne. Itinuro naman ni Sean ang tiyan niya kaya nakagat ko ang labi ko dahil mukhang nasaktan talaga siya sa pagyakap ko.

"Saan pa?"

"Dito." sabay turo sa labi niyang nakanguso pa habang nakaharap kay Dianne. Napangiwi na lang ako at naupo na lang sa may sofa sa gilid at inilapag ang dala kong pagkain.

Kaya kung ano-ano rin natututunan ni Vito kay Sean eh. Parehas silang may kalog sa utak.

Nakita ko namang hinampas ni Dianne si Sean sa braso. Sadista rin ng babaeng 'to. Hinawakan naman ni Sean ang braso niya habang umaaray.

"Hindi mabiro 'tong girlfriend ko," nagtatampong saad ni Sean. Mabilis naman tinabunan ni Dianne ang bibig niya pero huli na, narinig ko naman na.

"Girlfriend? Kayo na?" 'di makapaniwalang tanong ko. Napasapo naman sa noo si Dianne at inirapan si Sean.

"Nagha-hallucinate lang 'yan," depensa ni Dianne.

"No, akala niya siguro hindi ko narinig no'ng bago ako mawalan ng malay. Sabi niya 'Sean, kaya mo 'yan. Nandito lang ako. H'wag kang mamamatay, please. Sasagutin na talaga kita mabuhay ka lang,'" saad ni Sean habang mukhang ginagaya pa ang hagulhol ni Dianne na pulang-pula na ang mukha at hindi makatingin sa akin.

Nahiya ang gaga.

"Wala, malala talaga tama mo kaya kung ano-ano naririnig mo." Narinig kong bumuntonghininga si Sean at humawak sa dibdib niya.

"'Yon pa naman ang pinanghawakan ko para lumaban at mabuhay. Hindi pala 'yon totoo. Sana sumama na lang ako sa puting liwanag na nakita ko kung ganito lang rin pala ang dadanasin ko." Umiling na lang ako.

Sa tiyan siya nabaril pero mukhang may tama siya sa ulo. Sasabihan ko talaga si Vito na h'wag na muna sasama kay Sean.

"Oo na. Oo na. Ang drama mo," iritang saad ni Dianne pero mukhang gusto rin naman.

"Girlfriend na kita?"

"Teka, nandito pa ako, guys," tawag ko sa atensyon nila. Baka kasi nakakalimutan nilang nandito pa ako eh. Nakakahiya naman.

Nagtawanan na lang kaming tatlo at lumapit ako ng upo sa kanilang dalawa. Kumuha lang ako ng isang upuan at umupo sa may tabi ni Sean habang nasa kabilang side naman si Dianne.

"Kumusta?" tanong sa akin ni Sean. Nginitian ko naman siya bago sumagot.

"Ayos naman." Naka-longsleeve pa rin ako today. Visible pa rin kasi ang ibang pasa ko sa braso. Tapos 'yong sugat ko sa labi ay ikinonceal ko na lang para hindi masyadong halata.

"I'm sorry."

"Wala kang kasalanan. In fact, you even save my life pa nga. Magpagaling ka na." Ginulo niya ang buhok ko pagkasabi ko no'n.

"Alalang-alala sa 'yo si Nanay Loida," saad ni Dianne.

"Tatawagan ko siya mamaya."

"Miss ka na rin no'n. Kayo ni Vito. Ay speaking of Vito, kumusta kayo?"

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon