"Hello, so you're Chelsea?" A beautiful girl was extending her hand in front of me. She screams elegance.
From her blue pastel floral dress, from her pale white skin, blonde hair and bluish eyes. She looks foreign.
"Hello," tipid kong sagot. Isinama kasi ako ni Vito rito sa Vintage ngayong araw kasi sabi niya gusto raw akong makilala ni Lallaina. Saka, nasa Elena si Mom today kaya wala ako masyadong workloads.
Hindi ko naman in-expect na ganito kaganda 'tong ex niya. Pero maganda rin naman ako, gusto nga ako ni Vito eh. Pero hindi ako ex.
Kasi hindi pa ako girlfriend.
Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shakehands. Wow. Even her hands were very soft and long. Mas matangkad kasi siya sa akin lalo na at naka-heels pa siya. Sana lang ay from Elena ang suot niya kasi kung hindi ay baka matapilok siya.
"I'm Lallaina,"
"Chelsea, nice to meet you," I said giving her a sweet smile. Na-guilty tuloy ako dahil sa kahapon. She looks very kind and sweet. Napakahinhin naman nito.
I turned my gaze at my back when I heard a small cry of a baby. There, I saw Vito carrying a baby boy, probaby Lallaina's son.
"Ayaw sa 'kin. Kanina pa umiiyak," he calmly said and handed the baby to Lallaina.
"Anong name?" I asked. Ang cute ng baby niya. Mestizo at asul din ang mga mata. Mukhang foreigner ang ama.
"Chaze," she said while trying to calm her child.
"Mukhang maraming paiiyakin paglaki," biro ko dahilan para matawa 'yong dalawa.
"Hope not. It's bad for a boy to make girls cry. Do you hear that, Chaze?" The little boy giggle a small laugh when Lallaina tickle his stomach.
Ramdam ko naman ang paghawak ni Vito sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
"Can I carry him?" pormal kong tanong kay Lallaina.
"Sure, sure. Chaze, meet Tita Chelsea." I sweetly smile when she handed me the handsome boy. Medyo mabigat siya dahil sa ang healthy healthy niya. Ang tambok pa ng pisngi.
"Hi, Chaze," I said playfully to him and held his hand. My heart melts when I saw him gripping his small hand to my finger.
"He likes you. Tinatakot mo ata, Vito kaya umiiyak."
"Hindi ah. Sinabi ko kasi na magiging kamukha ko siya paglaki niya. Ayon, umiyak," natatawang saad ni Vito. Natawa naman kaming dalawa ni Lallaina.
"Kahit sinong bata maiiyak kapag ganyan," singhal ko.
Kinurot niya lang ang pisngi ko bilang sagot doon. Dapat hindi na siya sumasama kay Sean,kung ano ano natututunan niya eh.
"Sino ba may-ari ng shop? Let me talk to him!" Lahat kami ay napatingin nang may biglang sumigaw na babae sa may counter. Hagya pa akong nagulat dahil it was Halsey.
"Excuse me," Vito calmly said and headed to the counter. Ibinalik ko naman si Chaze kay Lallaina dahil umiiyak na. Umalis na rin muna sila at nagpunta sa may mini office ni Vito para siguro bigyan ng gatas.
Umupo na lang muna ako sa may bakanteng table at pinagmasdan si Halsey na mukhang nanggagalaiti sa galit. Ano naman kaya ang nangyari?
"'Yang waiter niyo, nabuhusan lang naman ang architectural plates ko ng kape. Some even spilled here in my clothes. Do you really hire an unexperienced worker here? Grabe, napaka-careless," she angrily said. She's making a scene here and even bothers those who are alone.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...