[tw: sexual harassment, abuse]
"Nababaliw ka na, Adrian!" Malakas kong kinalampag ang pinto ng hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko.
Pero pilit ko man itong kalampagin ay walang nangyayari dahil naka-lock 'yon mula sa labas habang si Adrian naman ay kasama ko rito sa loob at prenteng nakahiga sa kama kung saan ako nagising kaninang umaga.
Hindi ko alam kung nasaan ako.
Wala rin ako maalala sa mga nangyari kagabi kaya halos magwala na ako rito at pilit na kinakalampag ang pinto.
"Sigaw ka lang, walang makakarinig sa 'yo rito. Tanging ikaw at ako lang ang nandito," saad niya at tumayo mula sa pagkakahiga at naglakad palapit sa akin.
"H'wag kang lalapit sa akin," nanginginig kong usal habang iniaatras ang mga paa.
Umismid lang si Adrian at ibinaba ang baso ng alak na hawak niya sa may estanteng naroon. He's topless for pete's sake at naka-boxer lang.
Habang ako ay naka-lingeree na, ni hindi ko nga matandaan kung paano ako nakapagpalit. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero natatakot ako.
Wala pa sa akin ang phone ko. Putangina!
"Why? Parang hindi mo naman isinigaw ang pangalan ko kagabi," ngingisi-ngisi niyang sabi. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya pinakiramdaman ko ang sarili ko.
I am feeling sore down there. No! This can't be happening!
"Anong ginawa mo sa 'kin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at pilit ko siyang pinaghahampas sa dibdib.
Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko at ang paninikip ng dibdib ko. I know we used to make love noong kami pa, but this time, this can be considered as rape.
"You're gonna pay for this," matiim kong saad bago ko siya binigyan ng malakas na sampal sa mukha. Nakita ko kung paano gumuhit ang isang demonyong ngiti sa labi niya sabay ng paghawak niya sa kanyang panga na parang hindi man lang nasaktan sa ginawa ko.
"Nice slap, baby." Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik naman ako sa pintuan at kinalampag ko 'yong muli.
"Tulong!" desperado kong sigaw. Nang mapagod ay sunod akong pumunta sa may bintana. Sa kasamaang palad ay bakanteng lote ang bumungad sa akin.
Nasaan ba talaga ako?
"Nasaan ako!?" malakas kong sigaw kay Adrian. Nakaupo na lang siya ulit sa may kama at hawak na ulit ang baso ng alak na ibinaba niya kanina.
"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa. Walang Halsey, walang Vito. Only Adrian and Chelsea." He even open his arms while looking at me. I gritted my teeth to supress my emotions. Kailangan kong makaalis dito.
Hinihintay ako ni Mom at Dad. May kompanyang may kailangan sa akin.
At si Vito, hinihintay niya ako.
Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko pero natigilan ako nang may mapagtanto.
Mabilis kong iniikot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Tiningnan ko ang bawat sulok, maging ang ilalim ng kama at kahit ang CR ay hindi nakalusot.
"Hinahanap mo ba 'yong kwintas?" Mabilis akong lumabas ng banyo at lumapit kay Adrian.
"Akin na ang kwintas ko," walang emosyon kong saad.
"Mas importante pa 'yon sa 'yo," dagdag ko pa para lalong magdilim ang tingin niya sa akin. Pero hindi ako nagpatinag.
Tiningnan ko rin siya nang matiim at seryoso.
![](https://img.wattpad.com/cover/226790576-288-k258209.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...