"Where do you think you are going, Chelsea?" I ignored my mom while I am busy packing my things up. Matapos kong makapag isip-isip kagabi dahil sa nangyari ay napagpasyahan kong magpahangin muna sa kung saan man ako mapadpad.
"Tatawagan ko ang Daddy mo, itigil mo 'yang ginagawa mong pag-iimpake at hindi ako natutuwa ha!" Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko. Umupo muna ako saglit sa gilid ng malaki kong kama at inihilamos ang mga kamay ko sa aking mukha.
I felt very exhausted. Gusto kong umiyak pero wala na akong maiiyak pa dahil ilang araw na rin akong iyak nang iyak sa pagkakaalam ko. Ginawa ko na ang lahat to make myself busy. Pero hindi ata talaga 'yon sapat hangga't nakikita ko pa rin siya or alam kong nasa iisang lugar lang kami. Sa liit ng mundong ginagalawan namin ay paniguradong makikita at makikita namin ang isa't isa. And that's not good for me emotionally.
Napatingin ako sa isang photo frame na nakalagay sa table katabi ng kama ko. Kinuha ko ito at mariing pinagmasdan
"Ang saya saya pa natin dito." I chuckled and tears started to flow into my cheeks again. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mga iyon dahil hindi rin naman ito titigil. Hindi pa pala nauubos ang luha ko. Akala ko'y wala na.
I caressed the glass that protects the picture. It was me and Adrian being a happy and almost a perfect couple. Picture namin 'to noong first anniversary namin sa Hongkong Disneyland. We're both wearing cute pink and red headband.
Halos pilitin ko pa siya nang grabe para lang isuot ang headband na 'yon. Pinilit ko rin siyang magstay pero hindi na siya nagpapilit.
"Sobrang saya natin dito kaya 'di ko maisip na magiging ganito tayo ngayon." Doon ko na naman naalala ang mga nangyari last week. Ayaw ko mang alalahanin pero kusang nagfa-flashback sa utak ko ang mga nangyari.
"Sabi mo sa 'kin kaibigan mo lang siya?" I said out of nowhere. I found out that Adrian is a cheater. He cheated on me with his so called friend. I personally don't know her. Pero naitanong ko na sa kanya kung sino siya, friend niya lang daw.
For almost three years of our relationship, ni hindi ko nagawang magselos sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Ganoon kalaki ang tiwala ko sa kanya. Ganoon kalaki ang pang-unawa ko pagdating sa kanya kaya ni maghinala ay 'di ko magawa.
Hindi rin naman ako nakakapansin ng mga nakakaselos na bagay. He's been too perfect. Ni halos mag-away nga ay halos hindi namin ginagawa.
Hindi ko ba napansin o magaling lang siya magtago?
We knew each other for almost five years na rin. Ipinakilala siya sa akin ni Mom noon dahil close friend nila ang magulang ni Adrian. He courted me for almost half a year and we lasted almost three years in a relationship. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam kung alin ba sa mga memories naming dalawa for five years ang dapat kong unang kalimutan.
Napatingin ako sa photo frame na hawak ko. Binuksan ko ito mula sa likod at inalis ang picture naming dalawa.
Doon ko nakita ang sinulat kong note the day na nilagay ko ito sa photo frame.
'It's you who I am willing to spend my life with. It's you who I want to grow old with. I love you so much love. Muah <3
-chelsea'
I chuckled. I sounds so corny. Sabagay sobrang mahal ko siya to the point na nagagawa ko nang maging korni sa kanya. Almost every birthdays niya, monthsaries and anniversaries hindi ako nawawalan ng surprises and gifts. Hindi ako nahihiyang mag-effort sa kanya dahil I know na he will appreciate that no matter how simple it is.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romantizm[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...