Chapter 11

306 36 31
                                    

juanvitoxx:    i'm sick. :(

Ayan ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko. Kahapon ay nasiraan kami ng sasakyan kaya inayos niya pa kaya basang-basa siya ng ulan. Mabuti na nga lang at may dala siyang mga tools dahil kung wala ay malamang nagtulak na kami ng sasakyan.

chelseaaa:   then?

Alas-syete pa lang ng umaga. Napuyat pa naman ako kagabi panunuod ng Netflix. Antok na antok pa ako. Bangag akong nag-reply. Hindi ko alam kung tama ba 'yong sinabi ko pero antok na antok talaga ako.

I turned off my phone and went back to sleep.

When I wake up, it's already eleven. Magtatanghali na! Mabilis akong bumaba matapos kong maligo.

"Hindi na kita ginising, hija at sabi ni Dianne ay napuyat ka raw. Halika na, kain na." Nakapaghain na si Nanay Loida. Kaya deretsong umupo na lang ako sa hapag-kainan. Ako na lang ang maghuhugas ng plato mamaya.

"Kumusta ka naman?" biglang tanong ni Nanay. Nagsisimula na kaming kumain. Chicken Adobo ang ulam na niluto ni Nanay.

"Ayos naman ho, bakit po?"

"Wala lang, masaya akong nakikita kitang masaya." Kumunot ang noo ko.

"Kahapon, ang saya saya mo. Kung saan man kayo galing ni Vito kahapon, malamang ay napasaya ka no'n nang sobra."

Tama si Nanay. Sobrang saya ko kahapon dahil maghapon kaming nandoon sa Matalinhug. Kung pwede lang na h'wag munang umalis ay ginawa ko na.

Bigla kong naalala si Vito. "Wait lang po, 'Nay."

Umalis muna ako sa hapag at umakyat para kunin ang cellphone ko sa kwarto. Pagkababa at pagkabalik sa hapag ay saka ko 'yon binuksan.

Bumungad sa 'kin ang mukha ni Vito. Oo, hindi ko pa napapalitan ang wallpaper ko. Kung bakit? Hindi ko rin alam.

Dumeretso ako sa Instagram to check if may message ba siya pero wala. Sineen niya lang 'yong last message ko. Nagtampo pa yata siya.

Since, hindi siya online. I decided to text him.

To: Juan
u okay?

Yes. His contact name in my phone is 'Juan'. Bagay naman eh.

Tinapos ko na muna ang kinakain ko upang hindi ako mapagalitan ni Nanay Loida. Ayaw niya ng nagpho-phone habang kumakain. Kabastusan daw 'yon.

Kaya kahit narinig ko ang pagtunog ng phone ko ay hinayaan ko na muna.

Nang matapos kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan namin at inilagay sa lababo. Maghuhugas na muna ako para wala na akong intindihin mamaya.

"May lakad ka ba? Nagmamadali ka yata?" tanong sa 'kin ni Nanay. Nagmamadali ba ako?

"Wala naman po," tugon ko. Mabilis ngunit maayos kong hinugasan ang mga pinagkainan namin. Nang matapos maisalansan sa platohan ay umupo ako sa salas at tiningnan ang message ni Vito.

Kaso network provider lang pala. Hindi ko alam kung bakit ako nadismaya. Nagtatampo nga kaya siya dahil sa sinabi ko kanina?

After an hour of waiting, wala akong natanggap na text message nor direct message from Instagram. Almost one in the afternoon na rin, 'di ba dapat ay gising na siya para kumain?

Naka-ilang buntonghininga pa muna ako bago ako tumayo at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng isang tupperware at nilagyan 'yon ng Chicken Adobo ni 'Nay Loida. Kumuha pa ulit ako ng panibagong tupperware at naglagay ng kanin doon. Kasi for sure kung may sakit siya ay hindi siya makakapagluto.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon