"Hello, Cebu!!" malakas na sigaw ni Sean nang makababa kami ng eroplano. Nagtawanan tuloy kaming tatlo kasi parang ang tagal naman niyang hindi nakabalik dito.
"Excited?" Lumapit sa akin si Vito at hinawakan ako sa kamay ko. Naglalakad na kami ngayon palabas ng airport. Grabe, after all those happenings, nandito na ulit ako.
Magaling na si Sean, halata naman. Elena is grossing high sales this month. Vintage was having another branch around the metro.
Months have passed by already. Nahuli na 'yong dalawang lalaki na involved doon sa Tagaytay. Nagmakaawa pa nga kasi wala naman daw silang ibang ginawa kung 'di ang umupo lang doon sa labas. Kala nama'y makakalusot sila.
Nahatulan na rin si Adrian. Twenty years of imprisonment with no bail ang naging hatol sa kanya. Siguro naman enough na 'yon para mag-reflect sa mga ginawa niya. Nag-uundergo na rin siya ng counceling at treatment dahil naging malala ang pagbabago ng mood niya. He is so closed to be diagnosed with Bipolar Disorder.
Naikasal na rin si Gina, remember her? 'Yong anak ni Auntie. It was a church wedding and syempre kasama ko si Vito that time. I let him meet my family and friends.
And gladly, they all vibe with Vito. Proud na proud pa ngang ipinakilala ni Daddy si Vito sa mga kaibigan niya at sa malalayo naming kamag-anak.
"Hey, look at this fine man here. Ang gwapo 'di ba? This is Vito. Vito these are my friends. And, oh. This is my kapatid, Arturo." Napasapo ako sa noo ko habang sinusundan 'tong dalawang lalaki sa harap ko. Paano kasi nandito kami sa wedding ni Gina tapos si Daddy kung saan-saan hinihigit si Vito.
"He's a baker. If gusto niyo matikman ang gawa niya punta lang kayo sa Vintage Coffee Shop. Highly recommended." Nakita kong medyo nahihiya na si Vito kaya lumapit na ako sa kanila at hinigit ko si Vito paalis.
Mabuti na lang at nagke-kwentuhan na sila kaya nagawa kong mahila si Vito papalayo.
"Sorry ha," sabi ko nang makalayo kami sa kanila. Umupo na lang kami sa isang table na bakante.
Pastel pink ang motif ng wedding kaya I am wearing a long pastel pink gown, naka-classy braid bun din ang buhok ko with some flowers on it.
Si Vito naman ay naka-white tuxedo. Partner kami kanina sa entourage. Originally, iba dapat ang partner ko since hindi naman kilala no'ng ikakasal si Vito but then my parents insisted na isama si Vito.
Hindi ko alam, bakit ba ang kulit ng mga magulang ko? Kulang na lang ay ampunin na nila si Vito.
"It's okay. It's very warming actually. Like, I am now becoming a part of your family," he said and held my hand. I gave him a sweet smile. Tama nga siya. Hindi ko pa man siya boyfriend officially, kilala na niya agad buong angkan ko.
For sure, excited na rin sina Mom and Dad na maging boyfriend ko siya. Kaso hindi nga niya ako tinatanong pa kaya hindi ko pa siya masagot.
I can wait naman. Baka he's waiting for a perfect timing for that. Pero kapag medyo matagal na, ako na lang magtatanong. Chos.
"You okay?" I was snapped back to reality when Vito talked at my side. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Sean na hinatid ng friend niyang engineer mula sa Sahaya.
Si Sean ang nagmamaneho habang nasa tabi niya ang girlfriend niyang si Dianne. Tapos kami namang dalawa ang nasa likod.
"Yes, I'm okay." Nginitian niya ako at inakbayan para maisandal sa kanya.
"Everything is okay now. Hindi mo na kailangan pang mag-isip nang kung ano-ano." Tumango ako at mas isiniksik ko ang sarili ko sa may leeg niya.
"Sigurado ba kayong hindi pa kayo mag-jowa?" tanong ni Sean sa amin. Nagtinginan naman kami ni Vito dahilan para matawa kami pareho.
BINABASA MO ANG
Love in the Middle of Chaos
Romance[COMPLETED] Chelsea Gonzales, a lady living almost a perfect life and ready to settle with her boyfriend Adrian Martinez faced one of the hardest thing a person can experience -- a heartbreak. Wanting to find her peace, she went to Cebu where she me...