Chapter 21

278 35 21
                                    

"Congratulations, Vito!"

Time went fast. It's been a week after our hike at Hiking Ground and heto kami, nasa opening ng Romualdez Bakery.

"Thank you, 'Nay," masayang bati ni Vito. He was so happy for real. Lalo na at dinagsa pa ang opening ng bakery niya lalo na at may bago itong ayos at mas lumaki. Na-meet ko na rin kahapon si Lana dahil dalawa silang nag-bake ng mga tinapay para sa araw na 'to.

"Congrats," tipid kong sabi habang nakangiti sa kanya. He just smiled back and raised his fist. Nakipag-fist bump naman ako sa kanya.

Mag-aalas nuwebe na ng umaga ngunit marami pa ring pumipila lalo na at may promo pang siyang libreng kape para sa mga bibili. Nandito kami ni Nanay Loida sa may terrace nila. Nakita kong bumalik na si Vito sa bakery at nag-assist ng mga customers. Kasama niya si Sean. Ang kaso ay may pasok si Dianne kaya wala siya ngayon.

Hindi na raw siya pinayagan mag-leave kasi nga nakapag-file na siya ng three-days leave last week.

Si Lana ay nasa kusina at inaasikaso ang lunch namin. She's a cook and also a baker. Mabait siya though medyo ilang pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari noong una kaming nagkita.

"Paano 'yan? Malapit ka na pa lang umuwi?" Natigilan ako sa tanong ni Nanay Loida. Hindi pa naman kasi ako nagpapaalam sa kanya. Marahil ay sinabi na ni Dianne ang plano ko.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Opo 'Nay. Magtatrabaho na po ako ulit sa Manila,"

"Okay ka na ba?"

"Wala naman po akong choice kung 'di maging okay. Pero ang alam ko ngayon, handa na akong harapan sila." Tiningnan niya ako at saka ngumiti. I would probably miss her once na bumalik na ako sa Manila. She's my Nanay and I will be forever grateful that I met a wonderful Nanay like her.

"Nakikita ko namang okay ka na. Masaya ako para sayo, Anak." Parang hinaplos ang puso ko sa narinig kong sinabi niya. My heart felt happy.

"Babalik ako rito, 'Nay. Bibisitahin ko kayo ni Dianne,"

"Aasahan ko 'yan. Isama mo rin ang Mommy mo."

Mabilis na umusad ang oras. Dahil naubos ang mga tinapay at may mga tao pa ring nakapila ay binigyan na lang sila ng card para bukas ng umaga kung saan they could purchase for free. Ang galanete 'di ba?

Mabuti na nga lang at hindi nagalit 'yong mga naubusan dahil for sure kung sa Manila 'to nangyari ay kanina pa may nag-eskandalo.

"Kumusta opening?" tanong ni Nanay Loida nang bumalik sa terrace sina Sean at Vito. They're both sweating hard. Inabutan ko naman sila pareho ng face towel. They gladly accept it and they wiped off their sweat then squeezed themselves on chairs in front of us.

"Kapagod, 'di ko in-expect na madaming pupunta," saad ni Vito. Wala pa siyang maayos na tulog kasi maaga palang ay nag-prepare na sila ni Lana. Ang dami pa naman nang hinanda nilang tinapay pero nag-sold out pa rin talaga. Which only proves that they were really good talaga.

"Dagsa, bro! Congrats! 'Yong shop mo sa Manila kumusta?" Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kaso naalala ko na meron nga pala talaga siyang inaasikaso sa Manila na shop.

"Patapos na rin, in-expand ko na. Ginawa kong coffee shop," he said proudly. Mukhang masaya siya sa mga nagaganap ngayon sa buhay niya. Which he all deserves naman. Pinaghirapan niya 'yon and they were all paying off. I'm proud.

"Nice, sabihan mo ako kung kailan ang opening." Sean pat his shoulder and then he stood up. "Sunduin ko lang si Dianne, 'Nay. Sabi ko ay world class cook ang nagluto ng lunch eh." Nagtawanan kami sa sinabi niya. Saktong lumabas naman si Lana at naka-apron pa.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon