Chapter 39

249 22 5
                                    

[tw: sexual harassment, abuse]

"This is our first night as a married couple. We will make this night memorable." I looked at him with such anger as he raised his wine glass and tossed it to the glass in front of me.

Nandito na ulit kami sa bahay na 'to. To this suffocating dull house of misery. Baka sa mga susunod pang araw na gigising ako rito ay baka mawala na ako sa sarili.

Nakakabaliw.

Lalo na at nakikita ko sa daliri ko ang isang bagay na mas nagpapabaliw sa akin.

Ang wedding ring.

It really disgust me by just thinking that I am now married to him. He looks delightful in front of me, enjoying the steak he's eating on this candle-theme dinner.

Mas maganda pa ang lampara date namin noon ni Vito. Simple man pero napaka-genuine dahil kasama ko siya at alam namin parehas na pareho kami ng nararamdaman.

I hope you are okay, Vito.

Kasi ako hindi ako okay.

Pero magtitiis ako para hindi ka nila masaktan.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" malambing na tanong ni Adrian na nakakadiri sa pandinig ko.

Hindi bagay sa ugali niya ang maglambing.

"Ayaw ko," matigas kong tugon at tumayo na. Babalik na lang ako sa kama at matutulog.

"Saan ka pupunta?" Hinigit ni Adrian ang kamay ko dahilan para mapunta ako sa harapan niya. Seryoso na naman ang mukha niya, wala na namang emosyon ang mga mata niya.

Ganiyan nga.

Kaharap ko na ulit ang totoong Adrian.

"Kumain ka," seryoso niyang saad bago siya tumayo at hilahin ako pabalik sa upuan. Ipinilit niya akong iupo doon sa pamamagitan ng pagbaba ng balikat ko.

"Kumain ka, kailangan mo ng lakas. Magpapagod tayo mamaya," bulong niya sa may tenga ko dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa kilabot.

"Sino may sabing magpapagod tayo?" singhal ko nang makaupo na ulit siya sa may harap ko. Nagsisimula na ulit kumain.

"Bakit hindi? Asawa na kita. Kasal na tayo. Magho-honeymoon tayo."

"Honeymoon your ass." Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay bigla siyang tumayo at hinawakan ako nang mahigpit sa baba.

"Sa ayaw at sa gusto mo, Chelsea isa ka ng Martinez. Kasal na tayo at asawa kita."

"Sa papel lang 'yon, Adrian. Sa papel mo lang ako asawa. Sa papel lang tayo kinasal." Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya dahil sa sinabi ko.

Hagya akong natawa dahil nasanay na ako sa sakit.

Nang tingnan ko siya ay sobrang sama ng tingin niya sa akin at walang ano-ano'y malakas niyang hinampas ang lamesang kinakainan namin na halos mahulog na ang mga platong nandoon.

"You can't still change the fact that you are Chelsea Marie Martinez now."

"You can't still change the fact that I don't love you," matigas kong sabi dahilan para itaas niya ulit ang kamay niya at akmang sasampalin ako ulit.

"Sige, sampalin mo ako. Ano? Bakit ka tumigil?" Tumigil ang kamay niya sa ere at nanggagalaiting tumingin sa akin.

Binawi niya rin agad ang kamay niya at napahilamos na lang sa mukha. Kinuha niya ang baso niyang may lamang wine at inisang lagok ang laman no'n.

Pero bigla akong kinabahan nang bigla niya akong tingnan mula ulo hanggang paa hanggang sa kaladkarin na niya ako papunta sa kama.

Itinulak niya ako nang malakas doon dahilan para mapasubsob ang mukha ko. Tatayo pa sana ako nang bigla niyang sakalin ang batok ko para pigilan akong makabangon.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon