Chapter 17

306 31 11
                                    

"Let me hold this hand just for this day, Chelsea. Kahit ngayong araw lang,"

Mariin akong napalunok dahil sa sinabi niya kaya mabilis kong inagaw ang kamay ko. He's literally confusing me. Kanina lang ay nagagalit siya tapos ngayon ay gusto niyang hawakan ang kamay ko?

Hindi ako nagsalita at iniwan ko na siya sa cottage. His eyes were just in serious mode with no emotions can be seen at all. Nadaanan ko pa ang cottage ng tatlong babaeng kasabay namin and their eyes are all on me na para bang ini-examin ang buong pagkatao ko.

Hindi ko sila pinansin. Mamaya mag-init lang ang dugo ko sa kanila at baka hindi ko sila matantya.

"Tara na," sigaw ni Dianne dahil nasa may likod sila ng talon kung saan bumabagsak ang tubig. Bumuntong-hininga muna ako bago ko hinubad ang white tshirt ko at ang denim shorts ko revealing my two piece red bikini.

"Woah!" Sean shouted while Dianne was even clapping. Baliw! Lumusong ako sa tubig ngunit nabigla yata ang paa ko dahil sa mabuhangin na ilalim kaya muntik na akong matumba.

Luckily, Vito held my back and help me up. Tiningnan ko siya and his eyes were deadly serious. May mood swings siguro siya kaya siya gan'yan.

Maya-maya pa ay biglang nakarinig kami na parating na mga kalalakihan and to my surprise may limang lalaking parating pa at may kasama rin silang tour guide and what shook me more is that they're the same five men from the bar last time. Remember Waze? Yeah, he's one of the new comers.

Good gracious!

Tumalikod na lang ako sa kanila dahil baka makita nila ako. Though, alam ko namang makikita at makikilala nila ako pero at least 'di ba, mamaya pa.

Sumama na lang ako kina Sean at Dianne, sumunod naman si Vito sa amin.

"Ano ba!?" singhal ko nang bigla akong tilamsikan ni Sean ng tubig na deretsong tumama sa mukha ko. Tumawa lang sila ni Dianne na parang mga baliw kaya ang ginawa ko ay malakas ko rin silang tinalamsikan ng tubig.

"Aba, aba. Lumalaban si Ate mo Chelsea," Akmang tatalamsikan ulit ako ni Sean ng tubig nang biglang humarang si Vito sa harap ko. Tumambad tuloy sa akin ang broad niyang likod.

"Aba, two versus two ba pala 'to eh!"

Para kaming mga bata na naglaro sa may falls. We are happy. Si Vito na kaninang seryoso ang mukha ay tuwang-tuwa na ngayon.

Nang mapagod kaming maglaro ay umalis si Vito saglit at mukhang nakilala siya ni Waze dahil habol ang tingin ng grupo nila kay Vito. Naki-share sila ng cottage roon sa tatlong babae na mukhang nagustuhan naman nila.

Nang lumingon sa direksyon ko si Waze ay mabilis akong tumalikod. Kaharap ko tuloy sina Sean at Dianne na nagtatawanan at nag-aasaran. Hindi na ako magugulat kung sa isang araw ay sabihin nilang sila na. They are both happy and compatible naman.

"Wear this." I saw Vito handing me his white shirt. Kinuha ko naman 'yon at isinuot at baka mamaya ay magsungit na naman siya.

Nang maisuot ko ang shirt niya na umabot hanggang hita ko ay bigla niyang ipinatong ang kamay niya sa ulo ko sabay gulo sa buhok ko. He even smiled at me before taking a dive underwater. I gulped hard as I held my chest to feel the heartbeats of my heart.

Dahil mag-aalas tres na ay tinawag na kami ng aming kasamang tour guide para makapagsimula na kaming maglakad ulit paakyat sa tuktok kung saan kami magtatayo ng tent at magpapalipas ng gabi.

"Hey, hindi ko pa nalalaman ang pangalan mo," biglang saad ni Waze pagdaan ko sa harap ng cottage nila. Hinarangan niya ako tapos saktong nauna nang maglakad ang mga kasama ko.

Love in the Middle of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon